Angel, Parlade nagharap na; nanindigan para sa kaligtasan ng mga Pinoy
NAGHARAP at nagkapaliwanagan na sina Angel Locsin at Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., tungkol sa kontrobersyal na isyu ng red-tagging.
Personal na nagkita ang dalawang personalidad sa ginanap na meeting kahapon kasama ang abogado at film producer na si Atty. Joji Alonso at ang fiancé ni Angel na si Neil Arce.
Nag-ugat ang isyu nang akusahan ni Parlade ang kapatid ni Angel na si Ella Colmenares bilang miyembro umano ng New People’s Army.
Mas lumala pa ang usapin nang lumabas ang balita na suportado raw ng aktres ang mga ginagawa ng kanyang kapatid na mariin namang pinabulaanan ng magkapatid.
Sa pamamagitan ng Instagram, ipinaalam ni Atty. Joji Alonso na nakipag-meeting na si Angel kay Parlade at maayos na pinag-usapan ang mainit na isyu.
“In a meeting held today between AFP (Armed Forces of the Philippines) Southern Luzon Command Chief Lt. General Antonio Parlade, Jr. and actress Angel Locsin, the issues that cropped up these past weeks including the allegations against her and her sister Angela ‘Ella’ Colmenares, were discussed, threshed out and cleared.
“Ms. Locsin expressly denounces violence and terrorism in any form and supports all efforts of the government to maintain the safety and protection of its citizens.
“For his part, Lt. General Parlade conveyed to Ms. Locsin his appreciation for her contribution to the AFP and her continuing advocacy to help the poor, impoverished and the helpless,” ang caption ni Atty. Joji sa ipinost niyang litrato nina Angel at Parlade.
Kung matatandaan, noong nakaraang buwan naging national issue ang pahayag ni Parlade sa ilang celebrities, kabilang na nga sina Angel na may konek sa mga rebeldeng grupo.
Binalaan din niya sina Liza Soberano at Catriona Gray sa pagsuporta ng mga ito sa women’s rights group na Gabriela na aniya’y front daw ng mga komunista.
“The choice is yours, Liza. And so with you Catriona. Don’t follow the path Ka Ella Colmenares took in the underground and NPA Quezon. I am sure Angel Locsin and Neri Colmenares will not tell you this,” ang naging pahayag noon ni Parlade na kalauna’y nag-sorry din sa pagbanggit sa pangalan ni Catriona.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.