Hugot ni Nadine: 'Pinoy resiliency’ ginagamit para itago ang totoong problema | Bandera

Hugot ni Nadine: ‘Pinoy resiliency’ ginagamit para itago ang totoong problema

Ervin Santiago - November 13, 2020 - 11:14 AM

SA gitna ng dinaranas na matinding paghihirap ng mga Filipino dahil sa pandemya at sa sunud-sunod na kalamidad sa bansa, muling bumanat si Nadine Lustre.

Inakusahan ng award-winning actress ang mga taong palagi na lang ginagamit ang “resiliency” at pagiging matiisin ng mga Pinoy para itago ang tunay na problema.

Aniya, totoong nakaka-proud ang katapangan at katatagan ng mga Filipino pero palagi na lang ito ang ginagawang dahilan ng karamihan para hindi sa kanila ibalik ang sisi at mai-divert ang atensyon sa totoong issue.

Sa kanyang Instagram, matapang na nagbigay ng saloobin si Nadine patungkol sa kahinaan at kakulangan ng aksyon mula sa gobyerno matapos maghasik ng bagsik ang Bagyong Ulysses.

“Our country has been thru so much issues (calamity, pandemic, economy, job losses) and it upsets me so much when people pull out ‘Filipino Resiliency’ as a quick fix,” ayon sa dalaga.
Dagdag pa niya, “It’s def something to be proud of, but really, how long are we gonna keep using that to hide the real problem?”

“I feel for our brothers and sisters who are gravely affected by everything thats happening… Our country deserves so much better than this,” hirit pa ng aktres gamit ang tear at Philippine flag emoji.

Mensahe naman niya sa kanyang mga followers, “Now if you’re scrolling on your phone & seeing all the heartbreaking news but really dgaf (don’t give a fu***k) cuz you’re not so much affected by the all stuff, PLS check your privilege.”

Isa si Nadine sa mga matatapang na celebrities na bumabanat sa Duterte administration. Huli siyang nagbigay ng saloobin laban sa Pangulo noong July nang muli itong magbigay ng SONA.

“Pagbabago, hindi abuso. Pagkakaisa, wag mang-isa. Hawak kamay, wag hugas-kamay.

“I’m a Filipino and I stand for my country. We deserve better!” ang hugot ni Nadine sa SONA ng Pangulo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending