Ken gaganap bilang mister ni Rita na may 'DID'; Dennis 3 ang asawa sa 'Legal Wives' | Bandera

Ken gaganap bilang mister ni Rita na may ‘DID’; Dennis 3 ang asawa sa ‘Legal Wives’

Ervin Santiago |November 10,2020
facebook
share this

Ken gaganap bilang mister ni Rita na may ‘DID’; Dennis 3 ang asawa sa ‘Legal Wives’

Ervin Santiago - November 10, 2020 - 09:15 AM
MAY bagong aabangan ang fans ng tambalang Ken Chan at Rita Daniela na mas kilala ngayon bilang RitKen. Matapos ang matagumpay na mga serye nilang “My Special Tatay” at “One of the Baes,” muling magsasama ang dalawang Kapuso stars sa bagong Kapuso series na “Ang Dalawang Ikaw.” Aminado ang Kapuso actor na challenging ang role niya sa upcoming series. Gagampanan ni Ken ang karakter na may dissociative identity disorder – isang mental illness kung saan nagkakaroon ng multiple personalities ang pasyente. Aniya, “Dahil galing kami sa ‘My Special Tatay’, ang pinag-uusapan pa rin dito ay ang mental illness. Mental health ang focus ng istorya, isa na namang very challenging na project ang ibinigay sa amin.” Gaganap naman si Rita bilang si Mia, ang asawa ng karakter ni Ken. Dahil sa split personality ng kanyang asawa, magkakaroon si Mia ng kaagaw sa mister na gagampanan ng Kapuso actress na si Anna Vicente. “I’ve been wanting to portray a very mature and serious role. Mas nae-excite ako for Ken kasi napakahusay ng ginawa niya kay Boyet,” saad ng aktres. Makakasama rin nila sa bagong drama series na ito sina Dominic Roco, Jake Vargas, Joana Marie Tan at Jeremy Sabido. Blessing para kina Ken at Rita ang magkatrabaho sa gitna ng pandemya. Bukod sa “All-Out Sundays”, “The Clash Season 3,” at pagkakaroon ng upcoming movie, inaabangan na ng kanilang fans ang nalalapit nilang muling pagtatambal sa “Ang Dalawang Ikaw.”                           * * * Sumalang na sa look test ang cast members ng inaabangang bigating Kapuso teleserye na “Legal Wives.” Ang cultural drama series, na isa sa mga pinakamalaking proyekto ng GMA Entertainment Group, ay pagbibidahan ni Kapuso Drama King Dennis Trillo kung saan makakapareha niya sina Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali. Iikot ang kuwento sa karakter ni Ishmael (Dennis), isang muslim mula sa lahi ng mga Maranaw na iibig at mapapangasawa ang tatlong babae na sina Amirah (Alice), Diane (Andrea), at Farrah (Bianca). Nauna nang sumabak sina Dennis at Bianca sa look test at sumailalim na rin dito ang mga veteran stars na sina Cherie Gil at Al Tantay na gaganap bilang mga magulang ni Ishmael na sina Zaina at Hasheeb. Abangan din sa “Legal Wives” ang young and promising Kapuso stars at produkto ng StarStruck na sina Shayne Sava at Adbul Raman. Makakasama rin sina Bernard Palanca, Kevin Santos, Maricar De Mesa, Juan Rodrigo at Irma Adlawan. Paano nga ba mapapanatili na payapa ni Ishmael ang kanyang buhay may-asawa? Ano ang kaya niyang isakripisyo upang matugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya? Abangan ‘yan at ang mga pagsubok na haharapin ni Ishmael dulot ng pagkakaiba ng lahi, kultura, at tradisyon sa “Legal Wives” sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending