Willie personal na namigay ng ayuda sa mga biktima ni ‘Rolly’ sa Catanduanes
MARAMI ang na-happy nang masilayan si Willie Revillame sa Gigmoto, Catanduanes sa Bicol.
Kumalat sa social media ang pagdadala niya ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyo sa nasabing lugar.
Sa isang Facebook account (ni Adel Sar’to), kitang-kita ang kasiyahan ng mga Bicolano dahil binisita sila ni Willie sa panahon ng kalamidad.
May isa palang taga-Gigmoto ang tumawag kay Willie sa “Wowowin” para humiling ng tulong sa kanilang lugar na labis na sinalanta ng bagyo recently.
Hindi naman nagdamot si Willie at pinagbigyan niya ito. Mismong ang TV host ang nagpalipad ng isa sa tatlong helicopter ginamit para makarating sa Gigmoto at personal na mag-abot ng ayuda sa mga residenteng nabikta ng bagyo.
Last August, namahagi ng tulong si Willie sa mga jeepney drivers. Nagbigay siya ng cash ayuda at sako ng bigas sa mga drivers na naapektuhan ng pandemya.
Nangyari ang pagbibigay ni Willie ng ayuda sa mismong Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) office sa Quezon City.
Samantala, nagbalik na ang “Wowowin” sa dati nitong studio sa GMA 7 compound.
Medyo emotional si Willie sa kanyang pagbabalik as he reminisced the past kung saan ang daming tao sa labas at loob ng studio.
During the episode last November 6, walang katao-tao sa audience, bagay na ikinalungkot ni Willie.
In the same episode, ipinakita ng “Wowowin” ang sinasabing South Korean actor na si Kwon Sang Woo na look-alike ni Willie.
Nag-viral ang photo which was posted by a certain netizen named Judaih Chewdaii Dyuday showing a screenshot of Kwon na kuha sa series na “Delayed Justice.”
Marami ang nag-react positively sa photo na iyon. Kamukhang-kamukha kasi niya si Willie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.