Ivana wala pa ring dyowa: Kasi natatakot silang manligaw sa akin | Bandera

Ivana wala pa ring dyowa: Kasi natatakot silang manligaw sa akin

Ervin Santiago - November 09, 2020 - 10:32 AM

MUKHANG wala pa talagang balak magka-boyfriend ang Kapamilya sexy star-vlogger na si Ivana Alawi.

Ayon sa dalaga, ine-enjoy niya lang ang pagiging single ngayon at hindi naman siya naba-bother na until now ay wala pa rin siyang lovelife.

Happy naman daw siya sa piling ng kanyang pamilya at mas lalo pa raw silang naging close ngayon dahil sa community quarantine. Aniya, yun daw ang hinding-hindi matutumbasan ng kahit magkanong halaga.

Sa panayam ng media kay Ivana kamakailan, nabanggit niya ang isa sa mga rason kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang boyfriend.

Naniniwala ang vlogger na nahihiya o nagdadalawang-isip ang mga lalaki na lumapit at manligaw sa kanya.

“Yung mukha ko raw kasi nakaka-intimidate so lagi silang nai-intimidate sa mukha ako.

“Minsan may mga taong natatakot manligaw and hanggang ngayon ganu’n pa rin yung feeling. Takot pa rin sila manligaw. Ha-hahaha!” pahayag ng sexy actress.

Sa isang panayam, natanong ang dalaga kung ano bang mga qualities ang hinahanap niya sa isang lalaki, tugon niya, “Someone who’s going to love me for myself, ‘yung hindi manloloko. Ayaw ko ng manloloko.

“Hindi naman ako naghahanap ng sobra-sobrang guwapo ‘yung tama lang. Tsaka gusto ko Pinoy,” chika pa ni Ivana.

Samantala, nagpaliwanag naman ang aktres kung bakit naisipan niyang gumawa ng vlog para sa namayapang vlogger na si Lloyd Cafe Cadena kung saan lahat ng kikitain nito ay ibibigay niya sa naiwang pamilya.

“Ang inisip ko kaagad was his family and yun yung tumatak sa akin kasi alam kong mahal ni Lloyd yung family niya.

“Sabi ko parang kailangan kong gumawa ng paraan na in a small way matulungan ko din yung family niya.

“Kasi siyempre I’ve been watching ever since wala pa ako sa YouTube so sabi ko he’s been part of my life. And sabi ko, ‘How can I help?’ Nu’ng nalaman ko, nag-isip ako, nakaupo ako du’n, natulala ako, and I’m so happy kasi naging proud yung mommy niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Aside from making a tribute siyempre sa anak niya na si Lloyd, lahat kasi ng kita nu’n ibinigay ko talaga sa family niya,” sey pa ni Ivana.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending