Vina, Mariel magsasanib-pwersa para ibuking ang mga 'sikreto' ni Robin | Bandera

Vina, Mariel magsasanib-pwersa para ibuking ang mga ‘sikreto’ ni Robin

Reggee Bonoan - November 06, 2020 - 05:31 PM

“HMMMM ano ba ang common denominator namin?!?!? @vina_morales #EXCITED!’’
Ito ang caption ni Mariel Rodriguez-Padilla sa ipinost niyang larawan nila ni Vina Morales sa kanyang Instagram account.

“It’s gonna be fiery,” ang nakalagay sa larawan ni Mariel at “Bring it on,” sabi naman ni Vina.

Kaagad naming tinext si Mariel kung ano ang ibig sabihin ng ipinost niyang larawan nila ni Vina, “Vlog,’’ ang tipid na sagot sa amin ng wifey ni Robin Padilla.
Hirit namin kung magsasama sila ni Vina sa vlog niya na ipalalabas sa Linggo, Nob. 8 sa ganap na 9 p.m. at umoo naman si Mariel.

Parang treat ito ni Mariel sa asawang si Robin na magdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong Nobyembre kasama ang dalawa nilang anak na sina Isabella at Gabriella.

Plus promo na rin ng programa nina Robin at Vina na “Kesaya-saya,” na isang musical sitcom na napapanood sa NET 25 Eagle Broadcasting Corporation tuwing Linggo, 6:30 p.m..

Nagkomento rin si Robin ng “happy birthday’’ sa post ng asawa.

Natawa naman kami sa komento ni @bie.lao na, “Sana kasama din si Sharon Cuneta and Kris Aquino.”

Hirit naman ni @senorita_maldita_intrimitida, “@bie.lao sama mo na din si Ms. @iloveruffag.’’

Dagdag pa ni @bie.lao, “Si Dolly Ann Carvajal at Jobelle Salvador din isang show lahat.”
Binanggit din ni @senorita_maldita_intrimitida ang pangalan ni Lea Orosa.

At ang sabi ulit ni @bie.lao, “Mariel is the lucky one of all the girls he loved before after Liezl, he married Mariel. God bless your marriage Mariel and Robin! Robin I hope you stay in love with each other. Robin umayos ka! Napaka bait at maganda si Mariel.”

Sinang-ayunan naman ito ni @ryankaitaj, “@bie.lao yes and he spoils her he really loves her.’’

At ang mangyayari pala ay, “Mag-shoot kami, nag-research ako like si Robin ang escort ni Vina noong debut. Okay naman daw kay Vina game siya sa bukingan,’’ say sa amin ng asawa ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naku, parang obstacle course ang relasyon noon nina Robin at Vina dahil edad 18 palang ang aktres noon kaya kailangan ni Mariel ng matinding research para alamin kung anu-ano ang mga pinagdaanan ng dalawa.

Excited kami sa mga magiging sorpresa nila para kay Robin kaya aabangan namin ito sa Mariel Padilla YouTube channel sa Linggo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending