Pantay ba ang Senado at Kamara? | Bandera

Pantay ba ang Senado at Kamara?

Atty. Rudolf Philip Jurado - November 04, 2020 - 02:06 PM

Mas mataas ba ang Senado sa Kamara (House of Representatives), o ang Kamara ang mas mataas sa Senado?

Ang Constitution natin ay nagtakda ng isang bicameral congress na binubuo ng Senado at ng Kamara. Ang Senado ay hindi Kongreso, ganoon din ang Kamara, dahil sila ay parte lamang ng isa o buong Kongreso. Ang Kongreso ay ang Senado at Kamara.

Sa Constitution, ang Senado at ang Kamara ay pantay at hindi nakakahigit sa isa’t-isa. Bagamat ang pangunahing kapangyarihan ng Senado at ng Kamara ay gumawa ng batas (legislate), may mga natatangi naman silang mga kapangyarihan na pinagkaloob  lamang ng Constitution sa isa.

Sa Senado lamang pinagkaloob ng Constitution ang kapangyarihang magbigay ng pahintulot o sang-ayunan (concurrence/concurred) ang isang treaty o international agreement na pinasok o papasukin ng ating bansa.

Ang “Diplomatic Power” ng Pangulo o kapangyarihan pumasok sa isang treaty o international agreement ay hindi exclusive na kapanyarihan ng Pangulo, dahil ayon sa Section 21, Article 7 ng Constitution, ito ay magiging valid at epektibo lamang kung ito ay sinang-ayunan (concurred) ng hindi bababa sa 2/3 (two-thirds) ng miyembro ng Senado.

Dahil dito sa natatanging kapangyarihan ng Senado, maaari nitong tanggihan ang isang treaty o international agreement na pinasok ng Pangulo gaya ng nangyari noong 1991. Tinanggihan ng Senado sa botong 12 (Salonga, Guingona, Pimentel, Tanada. Saguisag, Maceda, Ziga, Laurel, Mercado, Aquino, Enrile, Estrada)-11 ang RP-US Treaty of Friendship, Cooperation and Peace na magbibigay sana ng panibagong sampung taon para sa US na ipagpatuloy ang pamamalagi nila sa Subic Naval Base at iba pang mga US military facilities sa Pilipinas.

Ang kapangyarihan naman na maghain ng panukalang batas (bill) tungkol sa appropriation, gaya ng taunang General Appropriation Bill, ay dapat lamang magmula (emanate) sa Kamara dahil ito ang tinakda ng Constitution (Section 24, Article 6). Ganoon din ang private bill na katulad ng ABS-CBN franchise bill. Ito ang dahilan kaya ang Senado, maski gustuhin nitong ipasa ang ABS-CBN franchise bill, ay walang nagawa ng binasura ng Kamara ang nasabing franchise bill. Kasama din dito ang mga bills na may local application katulad ng pagpapalit o pagbibigay ng pangalan sa isang kalsada o lugar gaya ng isinusulong na pagpalit sa pangalan ng Del Monte Avenue o Roosevelt Avenue sa Fernando Poe Jr. Avenue.

Tandaan sana na ang binigay lamang ng Constitution sa Kamara ay ang kapangyarihan magmula ang mga nasabing panukalang batas sa kanila. Ang ibig sabihin, ang mga ganitong panukalang batas ay hindi maaaring magmula sa Senado. Ngunit kapag ito ay naihain at naipasa na ng Kamara, may kapangyarihan naman ang Senado na rebisahin (revise), amendahan (amendments by substitution) o sang-ayunan ang nasabing panukalang batas.

Ang botohan tungkol sa iba’t-ibang provisions ng Constitution, kung saan ang Senado at ang Kamara ay inutusan na magpulong (meet) sa isang joint session of Congress ay nagbigay din ng patas na kapangyarihan sa 2 Houses of Congress. Gaya ng pag deklara ng giyera, ang pagboto ng Pangulo kung ang bilang ng boto ay pareho o patas at sa pag kumpirma ng appointment ng vice-president. Sa ganitong pambihirang pagkakataon, sila ay inatasan na bumoto ng magkahiwalay.

Hindi naman malinaw kung papaano boboto ang mga miyembro ng Senado at Kamara tungkol sa pag amyenda at pag rebisa ng Constitution, pagtawag ng constitutional convention,sa pag sang-ayon sa pagbigay ng tax exemption at amnesty dahil hindi naman tinukoy sa Constitution kung ang Senado at Kamara ay boboto ng magkasama o magkahiwalay.

Madedehado ang Senado kung literal na susundin ang Constitution na ang Kongreso ay boboto bilang isa at hindi magkahiwalay sa mga ganitong pagkakataon, dahil sa maliit na bilang nila kumpara sa bilang ng miyembro ng Kamara.

Patas din ang bilang ng mga miyembro ng Senado at Kamara sa Judicial Bar Council at Commission on Appointment (CoA) bagamat ang namumuno rito bilang ex-officio chairman ay ang Senate President na walang kapangyarihang bumoto maliban na lang kung pantay (tie) ang boto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa lahat ng aspeto, pantay ang Senado at Kamara.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending