Sharon, 2 anak gandang-ganda kay Gabbi Garcia
GANDANG-GANDA talaga si Megastar Sharon Cuneta sa Kapuso actress-singer na si Gabbi Garcia.
Hindi mapigilan ni Shawie ang sarili na ibandera sa buong universe ang paghanga sa kakaibang ganda at taglay na karisma ng dalaga.
Sa bagong Instagram post ni Gabbi, hindi niya inaasahan na mapapansin uli siya ni Mega na nag-comment nga ng sweet message para sa kanya.
Aniya, hindi lang siya ang fan ng morena beauty ng girlfriend ni Khalil Ramos kundi pati na rin ang mga anak niyang si Frankie at Miel Pangilinan.
“You are so pretty! Kakie & Miel think so, too,” ang papuri ng Megastar sa Kapuso star.
Nang mabasa ang comment ni Mega, agad niya itong sinagot, “Thank you so much Ms. Sharon!! Really means a lot.”
Actually, ito na ang ikalawang beses na pinuri ni Sharon si Gabbi. Nag-post sa IG ang dalaga ng photo niya ilang buwan na ang nakararaan na kuha sa isa niyang pictorial.
Caption ng singer-actress, “Such a moood! ang init talaga bes but make it fashown.”
Comment naman ni Mega, “I think you are one of the most beautiful.”
At sinagot siya ni Gabbi ng, “Omg. Hi Ms. @reallysharoncuneta! I’m so kilig! Thank you po. stay safe always!! My parents and I just rewatched Caregiver last night. hihi.”
Samantala, ngayon pa lang ay excited na ang fans ni Gabbi sa pagsasamahang serye ng aktres at ni Khalil sa GMA 7.
Ito ang unang TV series na pagtatambalan ng celebrity couple at first project naman ni Khalil sa Kapuso network.
Last week, ibinalita nina Gabbi at Khalil na nagpa-swab test na sila para sa shooting ng upcoming mini-series nilang “Love You, Stranger.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.