Bigas, isda, gulay taas-presyo | Bandera

Bigas, isda, gulay taas-presyo

- August 25, 2013 - 01:41 PM


SA kabila ng price freeze ay tumaas ang presyo ng  bigas, gulay at isda sa mga pamilihan sa Metro Manila. Matapos mag-monitor ng presyo sa Pasay, iniulat ng Department of Trade and Industry at Department of Agriculture na tumaas ng P2 kada kilo ang presyo ng premium na bigas.

Hindi naman nagbago ang presyo ng regular at premium NFA rice na nanatili sa P27 at P32. Hindi naman nila matiyak kung ano ang nagbunsod ng pagtataas ng presyo ng commercial na bigas.

Iniulat din ni Agriculture Director Leandro Gazmin na nagmahal ang ilang agricultural products gaya ng repolyo, pechay-Baguio at sibuyas dahil sa kawalan ng magde-deliber.

Aniya, lubhang naapektuhan ang mga delivery mula sa Benguet ng ulan at baha. Idinagdag ni Gazmin na ang isda na nahuli sa dagat, gaya ng alumahan, ay nagmahal din dahil sa masamang panahon.

Base sa listahan mula sa Bureau of Agricultural Statistics, ang presyo ng isang kilo ng alumahan ay nasa P160 na gayung P120 lamang ito noong isang linggo.

Pero sinabi ni Gazmin na temporaryo lamang ang taas-presyo at inaasahan nilang babalik sa normal ito sa mga susunod na araw.

“We see temporary price increase in fish and vegetables. The problem is not in the supply but in the distribution. Once the flooding subsides the prices will normalize in the next coming days,” ani Gazmin.

Samantala, iniulat ni Trade Secretary Gregory Domingo na hindi naman gumalaw ang presyo ng iba pang pangunahing pangangailang tulad ng tinapay, sardinas at noodles.

“There was no movement in the price of dry goods such as canned goods, bread, and noodles. The manufacturers of dry goods guaranteed us that they will not increase their prices and ensure adequate supply of goods in the market,” ani Domingo.

Hindi rin nagbago ang presyo ng manok at baboy, at mga isdang huli sa fishpond gaya ng bangus at tilapia. Idinagdag ni Domingo na magpapadala ng “Diskwento Caravan” sa mga lugar na nasalanta ng bagyo at baha upang magkaroon ng mas murang mapagkukunan ang mga residente.

Aabot sa 40 porsyento ang diskwento sa mga nasabing pamilihan. Nagbabala naman si Domingo sa ilang tiwaling negosyante laban sa pananamantala.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya, ang sinong mapatutunayang nagkasala ay makukulong ng hanggang 10 taon at pagbabayarin ng P1 milyon multa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending