Dumalaw na tikbalang kay Kim hindi peke; ‘U-Turn’ mananakot na bukas
TOTOO at hindi peke ang tila tikbalang na nakunang nakasilip sa bintana ng kwartong kinaroroonan ni Kim Chiu.
Sa isang video, isang spiritual healer ang nakausap ng tinaguriang Millennial Horror Queen tungkol sa nag-viral niyang litrato kung saan may nakasama umano itong tikbalang.
Sabi ng spiritual healer sa dalaga, “Sila ‘yung mas nauna sa atin dito sa mundo. Lahat tayo may third eye. Siyempre ‘yung iba kaya hindi nila nakikita, minsan ‘yung subconsciousness natin, buhay ‘yan, ‘di ba?”
Dito na sinabi ng spiritual healer na hindi fake o edited ang makikitang elemento sa photo ni Kim na para ngang tikbalang na nakasilip mula sa bintana.
“Malalaman ko naman talaga na fake ang isang bagay kasi may mga tinatawag na prosthetics. Pero ito, hindi, eh. Magkakaiba, eh,” sabi ng spiritual healer.
Marami naman ang nagpayo kay Kim hayaan na lang ang mga nasabing elemento hangga’t walang ginagawang masama sa kanya at palaging magdasal kahit saan siya naroon.
* * *
Mauna nang mag-bonding kasama ang pamilya o barkada ngayong Halloween sa advance screening ng Star Cinema horror movie na “U-Turn” na pinagbibidahan ng Millennial Horror Queen na si Kim Chiu, ngayong Okt. 29 (Huwebes) sa KTX.PH, ang website para sa mga bagong palabas online.
Hango sa 2016 Indian movie na kaparehas ang titulo, iikot ang kwento ng “U-Turn” kay Donna (Kim), isang reporter na umaasang magkaroon ng break.
Isang araw, mapupunta sa kanya ang isang kasong aakalin niya ay suicide. Ngunit matapos ang ilang araw, isang kasong katulad nito ang mangyayari.
Sa pag-asang ito ang magbibigay sa kanya ng break, sinundan niya ang mga kaso. Pero mukhang mabilis din siyang kakarmahin dahil mapapabilang ang kanyang kapatid sa “alleged suicide” cases.
Ngayon mas titindi ang kagustuhan niyang malaman ang misteryo ng mga kaso kasama ang boyfriend niyang si Robin (Tony Labrusca) at pulis na si Kevin (JM de Guzman).
Mapapanood ng viewers ang “U-Turn” advance screening sa halagang P150 sa KTX.PH ngayong Okt. 29 (Huwebes) at may tsansa pa silang makita ang lead stars ng movie.
Kung hindi maabutan ang advance screening, maaaring bumili ng ticket para mapanood ito simula Okt. 30 (Biyernes) sa parehas na halaga. Mapapanood nila ito sa loob ng 48 hours.
Pwede ring isama ang buong barkada sa pag-enjoy ng “U-Turn” sa pagbili ng Halloween Barkada Bundle. Kapag bumili ng tatlong tickets, makakakuha ng isa pang ticket na libre. Pumunta lamang sa KTX.PH at i-click ang “U-Turn” group buy link.
Mapapanood rin ang “U-Turn” sa SKYcable Pay Per View, Cignal Pay Per View, at sa iWant TFC simula Okt. 30.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.