Arci sarhento na sa Philippine Air Force; 1 buwan kinarir ang military training | Bandera

Arci sarhento na sa Philippine Air Force; 1 buwan kinarir ang military training

Ervin Santiago - October 27, 2020 - 10:04 AM

ISA nang ganap na sundalo ang Kapamilya actress na si Arci Muñoz.

Matapos ang pinagdaanang military training, certified sergeant na ng Philippine Air Force Reserve (PAFR) Command ang dalaga.

Sa official Facebook account ng PAFR, in-announce ang pag-graduate ni Arci nitong nagdaang Linggo matapos niyang makumpleto ang Basic Citizen Military Training na ginanap sa Gaerlan Auditorium, HAFRC, Clark Air Base sa Pampanga.

“Ms. Arci Muñoz is now Sgt Arci Muñoz PAFR!

“Sgt Ramona Cecilia D Muñoz PAFR completed the Basic Citizen Military Training on 25 October 2020 at Gaerlan Auditorium, HAFRC, Clark Air Base, Pampanga.

“Sgt Muñoz PAFR, under the supervision of 1st Air Reserve Center, learned the basic knowledges and skills of soldiery.

“For thirty training days, she underwent HADR training, marksmanship training, Obstacle Course, Field Training Exercise (FTX) and other activities that prepared her for her future roles as a Reservist of the Philippine Air Force,” ayon sa FB post ng PAFR.

Makikita sa isang litrato ang aktres nakasuot ng fatigue uniform habang hawak ang kanyang certificate.

Kung matatandaan, nagsimulang mag-training si Arci bilang reservist ng Philippine Air Force last June at makalipas ang halos apat na buwan ay napagtagumpayan niya ang lahat ng challenges na ipinagawa sa kanila.

Kasabay din niyang nagpa-enlist ang aktor at kaibigan niyang si JM de Guzman ngunit hindi kami sigurado kung natapos na ng binata ang Basic Citizen Military Training.

“Maligayang Araw ng Kasarinlan, mahal kong Pilipinas! Ngayon araw din ang aking unang pisikal na pagsasanay bilang kaunaunahang babae sa aking henerasyon at propesyon na sumasailalim sa [Philippine Air Force] reservist BCMT – Basic Citizen Military Training,” ang sabi niya sa caption ng ipinost niyang litrato habang naka-military uniform.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya pa, “Hinihikayat ko po ang aking mga kapwa kababaihan na mag-enlist. Marami pong salamat sa aking Philippine air force family. Asahan nyo po ang aking buong pusong dedikasyon at serbisyo.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending