Kris kay Bistek: Matagal kitang hinintay pero pinagod mo ang buong pagkatao ko kaya…
ANO kaya ‘yung sinasabi ni Kris Aquino na hindi siya ipinaglaban ni former Quezon City Mayor Herbert Bautista?
Post ni Kris sa kanyang Instagram nitong Lunes, “There are things in life i learned to leave behind, because the past whether beautiful or painful is really just a memory.
“Pero naiiba pala ang pananaw sa buhay pag pinaglaban ka na, at pinaramdam sa ‘yo kung gaano kahalaga ka- maraming beses ka mang nabigo ng iba, kakayanin mong maniwala that this time FOREVER CAN REALLY BEGIN.
“And you & I can finally believe that the memories we’ll create will be even more unforgettable.
“Our FOREVER begins this Wednesday, October 21, dahil babalikan ko na ang aking una at huling minahal.”
Kung kilala nga namin si Kris, ang tinutukoy niya ay ang kanyang hosting job na una niyang minahal at huling mamahalin dahil ito talaga ang forte niya bukod sa pag-arte sa harap ng camera.
Pero tila iba ang intindi ng ibang supporters at followers niya dahil binanggit pa ang pangalan ng tatay ni Joshua na si Phillip Salvador.
Kaagad namang sinagot ni Kris si @arlangel1105 ng, “Hindi siya ang una kong minahal & patahimikin natin ang buhay ng mga taong mapayapa na ngayon.”
Ang supporters naman nina Kris at Bistek na Kristek Babies ay nagpahayag ng kanilang excitement, “Our mami Kris is back. Thank you Lord. We can’t wait to hear your voice and see you again.”
Pero nagulat ang lahat sa sagot ni Kris, “@kristekbabies, ‘yung tatay n’yo hindi ako pinaglaban kaya bumilib ako sa (6 hearts emoji).”
Agad namang tinag ng kristekbabies si Herbert, “@herbertbautista @herbertbautista.397 thoughts po daddy.”
In fairness sumagot naman si Bistek, “@krisaquino anong hindi?”
Kinilig naman si @dreaming_dreams na nagsabing, “@herbertbautista.397 @krisaquino Madam May umaapila. Ha, ha, ha #KiligMonday.”
Nakisali rin sa usapan si @marinelle1882, “@dreaming_dreams naku ha kalimutan nyo na si bans. at meron ng ibang ka love team si @krisaquino.”
Sinagot naman siya ni Kris ng, “@marinelle1882 I’m okay on my own @dreaming_dreams nag-usap kami recently & alam n’ya na okay ako. There are people who make good partners & there are people like me who are good solo parents, able providers, and focused with making sure my sons are secure.
“Please don’t misinterpret this statement- simply take it for what it is- we will never be ready for each other because we’ll always put others above each other. And we’re mature enough to know that. Had @attygideon only been at least 13 years older, he would be ideal. So someone like him, but an older him.”
Ayun, type pala ni Kris ang kaibigan niyang si Atty. Gideon na matagal na ring itinutukso sa kanya. At maraming bumoto sa batang abogado para kay Kris.
May pagtutuwid naman ang Queen of Social Media sa comment ni, @karly.bliss, “We don’t ‘love’ each other in the romantic sense BUT we love each other like family- actually @attygideon is already an adopted member of our family- remember when I said 4 people very close to us had Covid-19- he was actually 1 of them.
“So, we’ve been through sa hirap at ginhawa already. When you’ve experienced something like that, the bond is really for life. Kuya & Bimb like him too much, he’s already the older brother they could have had (definitely not the stepfather) and he’s actually 1 of my closest & most trusted friends. And that lasts much longer, I have only a few real friends- but they are for LIFE.”
Sagot naman ni Atty Gideon, “@krisaquino tulog na. Ang daming magaganap bukas at sa mga susunod na araw and you need all the energy.”
At bago nagtapos si Kris sa kasasagot sa mga supporter niya ay may mensahe pa siya kay ex-Mayor Herbert.
“@herbert.bautista.397 please don’t REWRITE history. You didn’t when it mattered. This isn’t the venue to debate the past, I thought we already did that far too many times? Tanong lang- bakit pag nararamdaman mong dinededma ka na, bakit kailangan magparamdam ka?
“Di ba napaka-selfish na attitude nu’n? MATAGAL kitang hinintay pero PINAGOD mo ang buong pagkatao ko kaya for me you are already a closed chapter.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.