From friends to lovers: Alamin ang kwento ni Angel at Neil bago naging 'sila na' | Bandera

From friends to lovers: Alamin ang kwento ni Angel at Neil bago naging ‘sila na’

Reggee Bonoan |October 17,2020
facebook
share this

From friends to lovers: Alamin ang kwento ni Angel at Neil bago naging ‘sila na’

Reggee Bonoan - October 17, 2020 - 03:44 PM

Akala ni Neil Arce nu’ng nagsabi siya ng “I Love You” sa kanyang fiancée na si Angel Locsin at sinagot din siya ng “I Love You” ay ‘sila na’, hindi pa pala.

Sabi ni Angel, “Love ko kasi siya as kaibigan muna.”

Sa The Angel and Neil Channel nila sa YouTube na in-upload nila nitong Biyernes, Oktubre 16 almost 130,000 views na ay ikinuwento ng dalawa kung paano nagsimula ang relasyon at paano na-break ang bestfriend relationship nila sa loob ng seven years.

Bungad ni Angel, “Ang dami kasing nagtatanong kung paano ‘yung transition namin bilang magkaibigan na naging magka-ibigan.  Bigyan po namin kayo ng konting background paano nagsimula at para sa same na pinagdaanan namin ay mayroon kaming konting tips na puwedeng ibigay sa inyo.”

Ipinakita sa video ang mga larawang magkasama silang dalawa lang bilag magkaibigan pa noon at na-reveal na marami na pala silang lugar na napuntahan hanggang ibang bansa.

Simulang kuwento ni Nel, “Nagsimula kami as friends, 2010. After 7 years, we started dating (sa pagitan ng 2017-2018).  Actually, marami kaming pinagdaanan as friends.”

Dagdag ng aktres, “Actually, first time ko siyang makita nu’ng nagpunta siya sa bahay namin.  Kasi ‘yung grupo namin, grupo ng broken hearted na ang pangalan ay Ampalaya Anonymous kasi lahat kami mga bitter.”

“In-invite ako ni Paolo (Paraiso, kaibigan nila ni Angel) sa bahay niya (Angel). Pagdating ko may camping site. Sabi ko, magka-camping kami dito sa Don Antonio (Subdivision).  Sabi ko, ‘Okay kanya-kanyang trip, subukan natin.’  After noon, halos araw-araw kaming magkakasama ng mga time na ‘yun. Ang dami kasi seven years (friends) ‘yun ang dami naming dinaanan,” kuwento ni Neil.

Sabi ni Angel, “Nakakatawa kasi sa seven years na ‘yun, ‘Bro’ ang tawagan namin sa isa’t isa.  Tapos ako ‘yung taga-set (ng date) sa mga girls niya (sinang-ayunan ni Neil) at takbuhan niya pag may problema siya. Ganu’n din ako sa kanya (Neil). Pag kailangan ko ng sensible kausap, siya ang takbuhan ko.”

At ang lagi raw tinatanong ni Angel kay Neil pag may lovelife, “Ano ang tingin mo sa taong ‘yun?  Actually, ang naalala kong advise ko sa kanya (Angel) dati ‘pag pinili mo ang puso over sa utak mo para mong inaming tanga ka!”

Natawa si Neil sabay harap kay Angel, “Oo nga, ganu’n siya kaya kung kailangan mo ng takbuhan, siya ‘yun. So, after seven years na marami kaming experience na tagahabol ng girlfriend, tagahabol ng boyfriend, taga-ayos ng date, sumbungan ay umabot na kami sa point na hindi na namin puwedeng kausapin ang isa’t isa. Kasi ang taong ikukuwento namin sa isa’t isa ay ang isa’t isa. So parang ang hirap.”

Kaya ang ending ay naging friend zone ang dalawa na kahit na anong text at tawag ni Neil kay Angel ay hindi siya sinasagot.

Kasi nga may nararamdaman na sila sa isa’t isa. At sa kaibigan ni Neil na nangangalang Madz niya binanggit ang nararamdaman niya kay Angel. Pinayuhan siya nitong huwag ituloy kasi ganito rin pala ang aktres.

“Si Angel daw kasi nagtanong ng opinyon kay Madz kung iri-risk ba ang friendship na maging relationship.  E alam ni Madz na may gusto ako sa kanya at ang sagot daw ni Madz, ‘No!  Don’t do that!’ Hindi ko alam bakit niya sinabi ‘yun?” kuwento ni Neil.

Kaya pinuntahan daw ni Neil si Angel at nag-usap sila pero hindi na nila binanggit sa video kung anu-ano ito.

Nagbigay ng tips sina Angel at Neil sa mga na-stuck sa friend zone para mag-work ang relasyon ng magkarelasyon, “Hindi kami expert pero since nag-work sa amin dahil ikakasal na kami.”

Say ni Neil, “Para sa mga hindi alam kung magkaibigan sila o magkaka-ibigan ba lalo na ‘yung mga tawagan diyan na Bro, Ate, Kuya, Mars, ito ‘yung konting tip namin base sa experience namin.”

Tip #1. Siguraduhin ninyo na gusto n’yo talaga ang isa’t sa.

“Ito ang pinaka-importanteng part, sure ka na gusto n’yo ang isa’t isa.  Kung hindi ka sure sa nararamdaman mo, please lang huwag mong guluhin ang isip ng isang tao lalo’t kaibigan mo ito. Gagawin mo ang lahat para hindi siya masaktan,” paliwanag ni Angel.

Tip #2. Tanggapin n’yo ‘yung awkwardness.

“Kasi magkakaroon kayo ng awkwardness sa unang holding hands kasi nga magkaibigan kayo dati. Kaya matatawa kayo. Okay lang, i-own n’yo lang.  Siyempre iba na ‘yung kilos mas gentleman ka na,” nakangiting kuwento ni Neil.

Sabi naman ni Angel, “Siyempre pag barkada kayo, alam n’yo ‘yung isa’t isa.  Alam n’yo kung paano sila mag-style sa girls. Alam mo pag nagpapa-cute sila.  Kaya kapag ginagawa niya sa akin, natatawa ako. Sabi ko, ‘Tigilan mo nga ako kasi nakita ko na ‘yang style mo.  Style mo bulok!’”

Dagdag ni Neil, “Ilang beses na niya sinabi sa akin na, ‘Oy, ginamit mo na sa iba ‘yan (style).”

Tip #3.  Talk it out as friends.

“Napaka-importante no’n. Hindi porket kilala n’yo ang isa’t isa, e, okay na.  Dapat pag-usapan n’yo pa rin ‘yung mga bagay like si Neil may anak na, so ayaw na niyang ikasal kasi ayaw na niyang magka-anak pa.  Nirerespeto ko yung desisyon niyang iyon sa buhay noong bago pa naging kami.  Pero paano kung ako gusto kong magka-anak, gusto kong mag-asawa kailangan mong respetuhin din ang desisyon ko. Kaya pinag-usapan namin kung paano at kung ano ang magwo-work,” say ni Angel.

Dagdag ni Neil, “Kung paano ninyo pinag-uusapan ang mga ganung bagay noong magkaibigan kayo, dapat ganu’n din ngayong magkarelasyon na.  Walang magbabago, honest pa rin dapat.”

Tip #4 Go All In.

“Malaki ‘yung risk pag ginawa mo, pero malaki rin ‘yung reward.  Para makuha mo ‘yung reward, sure ka na ibibigay mo lahat kasi kaibigan mo, e. Hindi mo puwedeng saktan. Alam mo na ‘yung mga pinagdaanan niya. Ibigay mo lahat. Hindi na ito laru-laro.  Protect each other,” katwiran ni Neil.

Say naman ni Angel, “Malamang nasabi lahat ng kaibigan mo ang mga pinagdaanan niya sa exes niya. Uulitin mo pa ba?  Gagawin mo ba ‘yun, ikaw ang taong tina-trust niya. One of a kind relationship ito kaya huwag mong sayangin.”

Mabilis na sabi ni Neil, “Hindi ko naman sinayang di ba. Magpapakasal na tayo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kinilig naman ang aktres sa sinabi ng future hubby niya.

Mahaba pa ang mga kuwento nina Neil at Angel sa relasyon nila kaya mas magandang panoorin na lang ang kanilang YT channel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending