Marami pong sakripisyo ang kailangan gawin ng isang tatay | Bandera

Marami pong sakripisyo ang kailangan gawin ng isang tatay

Reggee Bonoan |October 16,2020
facebook
share this

Marami pong sakripisyo ang kailangan gawin ng isang tatay

Reggee Bonoan - October 16, 2020 - 11:38 AM

 

SA second show ni Billy Crawford sa TV5 na “Lunch Out Loud” ay natanong kung magkakaroon pa ba siya ng oras para sa mag-ina niyang sina Coleen Garcia at Baby Amari.

Halos araw-araw na kasi siyang magiging laman ng telebisyon dahil bukod sa araw-araw na noontime show at meron pa siyang tuwing weekend na “The Masked Singer”.

Kung hindi kami nagkakamali ay ganito rin naman ang naging schedule ni Billy noong nasa ABS-CBN siya.

Tatlo ang programang ginagawa niya nang sabay-sabay noon sa Kapamilya network, ang “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Biyernes, “Pilipinas Got Talent” kasama si Luis Manzano tuwing Sabado at Linggo ng gabi at “ASAP” kapag Linggo ng tanghali.

Pero ang pagkakaiba noon ay wala pa silang anak ni Coleen kumpara ngayong nasa TV5 na siya ay tatlo na sila at kailangan din niyang alalayan ang asawa dahil wala pang dalawang buwan itong nakakapanganak.

Kaya ang tanong sa TV host ay may sapat na oras pa ba siya para sa mag-ina niya?

“Ang pinakaimportante, I get to manage my time. Alam n’yo po, ‘yung taping hours naman po, hindi katulad ng dati, kasi we still have to abide by all the rules and regulations about the swabbing (COVID-19 test).

“Alam n’yo ‘yung pag nasa trabaho ka, kahit katutuntong mo lang du’n, uwing-uwi ka na dahil gusto mo lang siyang makuha or mayakap or mapa-burp man lang.

“Pero ‘yun ‘yung ilang mga sakripisyo na kailangan pong gawin ng isang tatay para maitawid nang maayos ‘yung pangarap ng anak namin,” ang paliwanag ni Billy sa ginanap na virtual mediacon ng Bigger Better BER-months ng TV5 para sa “Lunch Out Loud.”

For the nth time ay ipinagdiinan ni Billy na hindi nakikipag-kumpetensiya ang “Lunch Out Loud” sa pinanggalingan niyang programa, ang “It’s Showtime” na napapanood na ngayon sa free TV sa A2Z Channel 11.

“We’re not trying to compete, hindi po kami nakikipagkumpetensiya dahil may mga talagang sobrang nauna na po sa amin talaga. ‘Yan po ang Eat Bulaga, pati na rin ang It’s Showtime.

“We just want to add more fun and we just want to send more love out there and hopefully, inspire people, lahat ng nanonood po, na makatulong po tayo.

“Magsama-sama at magkaisa po. ‘Yan po ang gusto naming paratingin sa buong mundo na unity is more important and humility,” pahayag nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kay Billy, kasama rin sina Bayani Agbayani, Ariel Rivera, Wacky Kiray, K Brosas, KC Montero, Macoy Dubs at Alex Gonzaga sa “Lunch Out Loud” na mapapanood na sa TV5 mula Lunes hanggang Sabado simula sa Okt. 19.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending