Willie minura na naman ng lucky winner sa Wowowin: Huy! Mag-sorry ka sa buong Pilipinas!

By Ervin Santiago October 16,2020
share this

Willie minura na naman ng lucky winner sa Wowowin: Huy! Mag-sorry ka sa buong Pilipinas!

By Ervin Santiago October 16,2020 - 10:36 AM
PINAG-SORRY ni Willie Revillame ang babaeng contestant sa “Tutok To Win” ng “Wowowin” matapos siyang murahin nito on national TV.

Nangyari ito sa episode ng programa nitong Oct. 13 kung saan isang nagngangalang Glaiza ang maswerteng natawagan ni Willie para bigyan ng cash prize.

Talagang nabigla ang TV host-comedian nang murahin siya nang isang malutong na P.I. pagkatapos niya itong biruin ng, “Oh sige, bye bye!”

Reaksyon ni Willie, “Huy! Walang hiya ka, minura mo ako, si Kuya Willie mo ito!” Na sinagot naman ng contestant ng, “Hala? Totoo?”

“Anong totoo? Totoo! Si Kuya Willie mo ito!” Bakit ka nagmumura? Bawal nagmumura,” sabi uli ng TV host.

Tugon naman ni Glaiza na todo ang paghingi ng sorry kay Willie, “Akala ko kasi iba po.”

Patuloy ng Kapuso host, “Nanonood ang buong mundo sa atin tapos nagmumura ka. Bawal magmura.

“Ikaw ba si Glaiza? Mag-sorry ka sa buong Pilipinas. Mahirap iyan, magagalit sa atin ang tao. Huwag ka magmumura kahit sino kausap mo, ha. O, mag-sorry ka uli,” sey uli ni Willie.

“Humihingi po ako ng pasensiya sa nasabi ko,” sagot naman ng contestant.

Muli pinaalalahan ni Willie ang Kapuso viewers na mag-ingat sa mga kung anu-anong scam sa social media at internet pero iwasan ang pagmumura at pagsasalita nang masasama.

“Ako, ang payo ko lang sa mga natatawagan, kahit na may scam, e, huwag kayong nagmumura kasi kung totoo, paano iyan?”

 “Katulad niyan, totoo iyan kasi nag-text ka, ‘Sana ako ang matawagan mo para pambili ko po ng laptop sa online class ko po.’ Tingnan mo nga, tinawagan mo na, minura mo pa ako. Makinig kang mabuti sa akin,” lahad pa ng veteran comedian.

Baling uli ni Willie kay Glaiza, “O, huwag na magmumura, ha. Hindi maganda iyong nagmumura. Okay, sige, humingi ka naman ng tawad, okay lang.”

Dugtong pang mensahe ng TV host, “Pasensiya na kayo, siyempre, hindi niya alam, e. Marami ho kasing nanloloko. Tingnan niyo iyong Facebook, puro mukha ko. Huwag kayong maniniwala.”

Sa huli, sinabihan ni Willie si Glaiza na tatawagan uli siya at ayusin na ang pagsagot sa kanya. At nang i-dial nga uli ang number niya, “Hello po, Kuya Wil?”

“Ay, Glaiza, ikaw ba iyan? Glaiza, siguro hindi ka nagmumura, mabait kang bata ano?” hirit ng “Wowowin” host sa kanya

Tugon naman ni Glaiza, “Hindi na po.” Kaya naman binigyan na siya ni Willie ng P20,000.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending