Miss Q&A winner Brenda Mage kumikita na ng P300K sa YouTube | Bandera

Miss Q&A winner Brenda Mage kumikita na ng P300K sa YouTube

Ervin Santiago |October 14,2020
facebook
share this

Miss Q&A winner Brenda Mage kumikita na ng P300K sa YouTube

Ervin Santiago - October 14, 2020 - 10:34 AM

KUMIKITA na ng P100,000 hanggang P300,000 every month ang komedyanteng si Brenda Mage sa kanyang YouTube channel.

Kaya naman todo ang pasasalamat ng “Miss Q&A InterTALAKtik” grand winner sa “It’s Showtime” sa lahat ng sumusuporta at nanonood sa kanyang mga vlogs.

Ayon kay Brenda Mage, nang dahil sa buwan-buwan niyang kita sa YouTube, hindi naging problema ang kawalan ng raket sa showbiz para sa pang-araw-araw na pangangailan ng kanyang pamilya.

“Para sa akin, medyo unfair sa mga nagsa-suffer dahil sa nangyayari sa ngayon.

“Pero sa akin sobrang positive ang nangyari kasi naging advantage ko siya as content creator o vlogger. Parang mas lumaki ang kita ko, mas tumaas ang viewers ko kasi nga nasa bahay lang ako nagba-vlog,” kuwento ni Brenda nang mag-guest siya sa “Magandang Buhay”.

Pahayag pa ni Brenda Mage o Bryan Roy Tagarao sa tunay na buhay, nakapagbibigay na siya ng saya at inspirasyon sa madlang pipol ay kumikita pa siya nang bonggang-bongga.

“Ginawa ko siyang motivation para makapagpasaya sa ibang taong nade-depress. Kahit sa mga nasa ibang bansa at dito sa Pilipinas na nawalan ng trabaho, nasa bahay lang, pinapanood nila ‘yung videos ko,” pahayag pa ni Brenda.

Dito nga naikuwento ng gay comedian ang tungkol sa kinikita niya buwan-buwan bilang isang YouTuber. Kung noon, kumukubra siya ng P5,000 hanggang P10,000 every month, ngayon ay umaabot na ito ng six-digit.

“Dati four months ako bago kumita. Unang kita ko P5,000. Tuwang-tuwa na ako. Tapos nu’ng medyo nakilala na ako sa Miss Q&A, ang dami nang nagti-trend na videos.

“Ngayon, so far both kumikita ako sa Facebook at YouTube. Tapos pareho silang tig-six digits. Sa ngayon sa nangyayari sobrang laki na ‘yan,” chika ng komedyante.

Patuloy pa niya, “Sobrang sarap sa feeling din kasi. Kasi kapag kumikita ko, ang kita ko sa Facebook diretso sa bangko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang kita ko sa YouTube, bukod sa pamilya ko at mga baklang kasama ko, ‘di ko lang bina-vlog. ‘Yung iba bumibili ako ng bigas. May certain areas na nagbibigay ako ng relief goods, mga ganoon,” kuwento pa ni Brenda Mage.

Sa ngayon, napapanood ang Kapamilya comedian sa  teleseryeng “Ang Sa Iyo Ay Akin” na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Sam Milby at Maricel Soriano.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending