Paglipat ni Khalil sa GMA trending: Nakakataba ng puso. Wohooo!
WALANG nangnega at lahat happy lang sa paglipat sa GMA 7 ng ex-Kapamilya actor na si Khalil Ramos.
In fact, naging top trending topic pa sa Twitter ang announcement ng Kapuso Network with hashtag #WelcomeKapusongKhalil.
Kahapon pumirma na nga ng management contract with GMA Artist Center si Khalil at looking forward na siya sa mga gagawin niyang projects sa network sa mga susunod na buwan.
Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ng binata ang naging journey niya sa showbiz kabilang na ang pagsisimula ng kanyang career at kung gaano siya ka-excited ngayong isa na siyang certified Kapuso.
Ipinost ng boyfriend ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia ang kanyang throwback photo nang sumali at naging runner-up sa reality talent search na “Pilipinas Got Talent” noong 2011.
“9 years ago, I started my career as an artist, on this stage.
“I will always be thankful for all the people who helped me become the person I am today.
“Thank you. I will never forget what you have done for me. Forever grateful,” sey niya sa caption.
Nag-post din ang binata ng mga litrato na kuha sa contract signing niya sa GMA Artist Center na may mensaheng, “A new chapter, a new home.
“I’m overwhelmed by the support I’ve been getting during this momentous event in my life.
“I can’t be more grateful for @artistcenter & @gmanetwork for welcoming me with open arms! I’ve been feeling nothing but love and kindness from everyone! Nakakataba ng puso. Wohoo!
“I am super thrilled to be given the opportunity to continue telling stories! Again, thank you GMA & Artist Center for the trust! Cheers!”
Siyempre, bukod sa kanyang fans, winelkam din siya nang bonggang-bongga ni Gabbi Garcia.
“Always proud of you, my love! Welcome to GMA! ILY (I love you),” bahagi ng message ni Gabbi kay Khalil.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.