Daniel sinorpresa ni Kathryn: Sa ‘yo nanggagaling ang lakas ko, mahal kita
IBANG klase talagang girlfriend si Kathryn Bernardo, no!
As in gagawin niya ang lahat para lang masuportahan at mapasaya ang onscreen and offcam partner niyang si Daniel Padilla.
Proud na proud si Kath kay DJ habang pinanonood ang mga production number nito sa first ever virtual concert ng binata, ang “Apollo” na ginanap last Sunday night.
Hindi lang siya basta personal na um-attend sa concert, talagang nagsilbi siyang cheerleader ni DJ kasama ang ina nitong si Queen Mother Karla Estrada.
Bukod dito, sinorpresa rin ng Kapamilya actress si Daniel ng isang surprise party pagkatapos ng concert. Talagang kinarir niya ito with matching pa-catering.
Ilang litrato na kuha sa event ang ipinost ni Kathryn sa Instagram na may caption na, “Our intimate surprise party last night with @supremo_dp’s biggest fandom—our family and friends—was a success! Congratulations, love! That was such an amazing performance! (No bias.)”
“Thank you to everyone who helped make this unforgettable night possible!” aniya pa.
Special mention ng dalaga ang event stylist na si Gideon Hermosa, “Thanks for the friendship and for transforming his (Daniel) place to make the event extra special.”
Pinasalamatan din niya ang event planner na La Belle Fete na nagawang maisakatuparan ang inihanda niyang sorpresa para kay DJ sa loob lang ng tatlong araw.
Siyempre, super touched si Daniel sa ginawa ng kanyang girlfriend. Aniya sa kanyang comment sa IG post ni Kath, “Maraming salamat sa oras at pagmamahal na ibinibigay mo sa akin. Sa iyo nanggagaling ang lakas at inspirasyon ko. Mahal kita.”
Samantala, hindi naman binigo ni Daniel ang kanyang mga tagasuporta sa isang gabing punumpuno ng musika at kilig.
“Gusto lang natin sila bigyan ng konting music, konting ligaya, ng konting time sa isa’t isa dahil yun yung hindi natin nagagawa. I’m doing this for them.
“Para sa kanila yun para sa kasiyahan nila. Hindi rin naman ako nag-e-expect ng sobrang dami (manonood) rin kasi alam ko lahat may pinagdadaanan ang mga tao ngayon. Ang hirap maglabas kahit isang daan, dalawang daang piso.
“So, I really appreciate yung mga taong bumili to see the concert. So kung marami man, kung konti man, ang experience na makukuha nila sa akin is the same. Ang ibibigay ko na performance sa kanila is the same. Hindi magbabago,” pahayag ni DJ.
Aniya pa, ang playlist na narinig at napanood ng madlang pipol sa “Apollo” ay combination ng naging impluwensiya sa kanya ng musika ng kanyang magulang na sina Karla at Rommel Padilla.
“Kay mama ko nakuha yung influence sa U2 kasi fan siya. Sa daddy ko naman nakuha ko yung mga Def Leppard, Led Zeppelin, Deep Purple, yan yung mga luma.
“Sa lola ko naman yung mga standard music nina Sinatra. Self-discovery ko na yung mga ‘80s new wave, yung mga Tears for Fears, the Cure, yun yung mga natutunanan ko na rin eventually dahil siyempre nagsimula ako sa The Beatles.
“Anyway nag-evolve na lang din ang music ko and mas gusto ko yung luma, mas gusto ko yung puso na binibigay nila, eh,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.