Maja nagsisisi nga ba na sumama pa kay Mr. M sa TV5?
“WE have one goal, ang magpasaya ng tao.”
Ito ang pahayag ni Maja Salvador sa ginanap na virtual presscon ng programa nilang “Sunday Noontime Live” na mapapanood na sa Okt. 18 sa TV5 mula sa Brightlight Productions at Cornerstone Studios.
Inamin ni Maja na kaya niya tinanggap ang offer ng Brightlight Productions sa kabila ng COVID-19 pandemic ay dahil sa studio naman ito gaganapin.
Alam niyang safe ito dahil sumusunod sa health protocols ang lahat bukod pa sa hindi bago ang makakasama niya sa show simula sa direktor na si Mr. Johnny Manahan down to the staff.
Aniya, “It’s a 80-90% sa production ang kasama namin dito sa Sunday Noontime Live kaya walang bago sa akin gamay ko na lahat kaya walang adjustment na nangyari. Plus sa panahon ngayong maraming nawalan ng trabaho na Kapamilya natin kaya bakit hindi ko tatanggapin.”
Natanong kung may pagsisisi ang aktres sa pag-alis niya sa “ASAP” na obviously ay makakatapat ng kanilang “Sunday Noontime Live.”
“Do I have regrets? Ang masasabi ko lang, Im very grateful and blessed na may Brightlight (nag-offer) and thankful kay Mr. M for trusting me.
Magkakaroon lang ako ng regrets kung sarili ko lang ang inisip ko. Makakatulong ako sa Kapamilya ko ngayon.
“I will always be grateful sa ASAP dahil hindi ako makikilala sa pagsaysayaw at hindi ako makikilala bilang Maja Salvador for 17 years kung hindi dahil sa ASAP.
“For my ASAP Family naiintindihan nila lahat, hindi naman ako lalabas o gagawin ang show na ito kung hindi maayos ang pag-uusap ng lahat, ramdam ko pamilya kami dahil ang pamilya iniintindi ang bawa’t pamilyang nangangailangan.
“Forever ko pong babaunin lahat ng natutunan ko and for the mean time naglambing ang tatay natin na si Mr. M na sabi niya sa zoom (meeting) namin na ‘Maja kailangan kita.’ Kaya gusto ko pong suportahan ang aking tatay,” paliwanag ni Maja.
Samantala, bukod sa singing at dancing ay maraming ibang ipakikita ang “Sunday Noontime Live” sa audience bagay na kailangang abangan, sabi nga ni Donny Pangilinan ay very millennial ang show nila.
Bukod kina Maja at Donny, kasama rin sina Piolo Pascual, Jake Ejercito at Catriona Gray sa programa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.