Ian sasabak uli sa comedy: Hindi naman ako takot magmukhang ewan!
HINDI na bago kay Ian Veneracion ang bago niyang show sa TV5 na “Oh My Dad” na isang sitcom.
Alam naman ng lahat na bata pa siya ay napasabak na siya sa comedy. Sa katunayan, ang unang show niya sa TV ay ang comedy program na “Joey And Son” noong 1981.
Aminado ang aktor na hindi man siya mahusay sa pagpapatawa dahil nga sa aksyon at drama siya madalas napapanood, naging magaan sa kanya ang show dahil sa mga co-stars niya lalo’t lock in taping sila.
At dahil dito, napakaganda ng bonding nila sa set. Sabi nga ni Ian, “dream team” ang grupo nila sa “Oh My Dad.”
Sa tanong kung ano ang expectation niya sa mga kasama niya sa show, “They’re so funny in person and ‘yung character nila is so also funny.
“I’m so glad that I’ve work with them. Magkasama kami ni tito Ariel (Ureta) sa villa, wala kaming katapusang magkuwentuhan,” kuwento ni Ian.
Dagdag pa niya, “It’s a comedy at hindi naman ako takot magmukhang tanga. Ha-hahaha! I’m so happy with the script.”
Nabanggit pa ni Ian na nakasama na niya si Dimples Romana sa zombie movie na “Block Z” at close talaga sila kaya hindi siya nahirapan at masaya talaga ang grupo nila.
Sabi naman ni Direk Jeffrey Jeturian ay parang hindi nila nararamdaman ang taping ng new normal dahil ang sarap kasama ng actors nila at mabilis pa ang trabaho nila.
“Lock in is favorable sa production kasi nakaka-can kami ng maraming episodes kumpara noong hindi lock in, nakaka-tensyon kasi naghahabol kami (taping),” say ni direk Jeffrey.
Samantala, naikuwento ring masarap daw ang lock in ng OMD dahil ang sasarap ng mga pagkain nila, as in may paella, lobsters at marami pang iba. At higit sa lahat, very considerate lahat ng staff ng production.
Bukod kina Ian, Dimples, Ariel, kasama rin sa “Oh My Dad” sina Sue Ramirez, Adrian Lindayag at Louise Abuel na mapapanood na sa Okt. 24, 5 p.m. sa TV5 produced ng Brightlight Productions at Quantum Films.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.