Sharon napagod na: It's almost time...on my way to retirement | Bandera

Sharon napagod na: It’s almost time…on my way to retirement

Ervin Santiago - October 11, 2020 - 03:29 PM

 

MUKHANG mas mapapaaga nga kesa sa inaasahan ang pagre-retire sa showbiz ng nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta.

Matagal nang sinasabi ni Shawie na seryoso na niyang pinagpaplanuhan ang pagreretiro niya sa pag-arte at pagkanta pero wala siyang binabanggit kung kailan ito mangyayari.

Sa kanyang Instagram account, isang maikling mensahe ang kanyang ipinost tungkol dito. Kalakip ng selfie photo, tila pamamaalam na ang inilagay niyang caption.

“Kids, it’s almost time. Mama’s tired. I love you! On my way to retirement…,” sabi ni Mega with matching kiss emoji. “Kids” ang tawag niya sa kanyang mga Sharonians.

Bukod dito, kapansin-pansin din ang pag-update ni Sharon sa kanyang bio sa Instagram. Makikita rito ang mga salitang “RETIRING SOON.”

Bumuhos naman ang iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens, kabilang na ang mga fans niya sa showbiz, nang mabasa nila ang hugot ni Mega.

Comment ng isang solid Sharonian, “Mahal ka namin ma! But if pagod na po talaga kayo, we will understand po. Anyway you deserve naman po ang time for yourself. But we will never ever stop supporting and loving you po hanggang dulo.

Mahal na mahal ka namin mama. Isang mahigpit na yakap para sayo (heart emoji).”

Narito pa ang ilang komento ng kanyang fans.

“Wag muna mama sharon need kapa namin mga nagmamahal sau.”

“Ooohh no!! Pero… suportahan taka pa rin po kami kung ano man ang desisyon mo po.”

“I love you, it was a wonderful, amazing, and mesmerizing 41 years

“We are always here to support you mega no matter what happen. We love you po!”

Ngayong 2020 ay magse-celebrate na ang Megastar ng kanyang 42nd anniversary sa showbiz and as early as 2018 ay nababanggit na niya ang plano niyang early retirement.

Kung matatandaan, nag-post pa siya noon ng mahabang mensahe tungkol sa balak na “semi-retirement”. Ito yung panahon nang ihatid niya ang anak na si Frankie Pangilinan sa airport na lilipad papuntang Amerika para doon mag-aaral.

“On another note, and this is important- Since last year l have seriously been thinking of semi-retiring. I am so very tired.

“It has been 41 years of work, work, work for me, and at some point, kailangan na rin sabihin sa sarili na ‘tama na.’

“When will it ever be enough? Sometimes you just have to put your foot down and say it’s okay, and it’ll all be okay.

“Maybe I’ll do a concert here and there every once in a while, or a movie that I feel will really be worth the few months it’ll take me away from my home and family.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sinasabi ko na sa inyo ito, mga mahal kong Sharonians. Mahal na mahal ko kayo…pero pagod na rin si Mama,” pahayag ni Mega.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending