Jodi, Raymart 'asar-talo' kay Vice; Anne napaiyak sa pagbabalik ng Showtime sa free TV | Bandera

Jodi, Raymart ‘asar-talo’ kay Vice; Anne napaiyak sa pagbabalik ng Showtime sa free TV

Ervin Santiago - October 11, 2020 - 11:45 AM

NAPALUHA si Anne Curtis nang mapanood ang muling pag-ere kahapon ng Kapamilya noontime program na “It’s Showtime” sa free TV.”Nakakaiyak dahil hindi ako nakasali sa kanta…” ang pahayag ni Anne pagkatapos ng bonggang opening number ng mga co-hosts niya sa show na muli ngang napanood ng madlang pipol sa free TV sa pamamagitan ng A2Z channel.

Nasa Australia pa rin hanggang ngayon ang TV host-actress kung saan siya nanganak sa panganay nila ni Erwan Heussaff na si Baby Dahlia.

Halos isang taon na rin siyang wala sa “Showtime” kaya ramdam na ramdam ng mga manonood ang matinding pagka-miss niya sa mga kasamahan sa Kapamilya noontime programa.

“Grabe nakakaiyak iyong opening to see you so happy about what’s happening. I can’t wait to come back and be reunited with all of you and to make our ‘madlang people’ happy,” mensahe ni Anne.

Sagot naman ni Vice Ganda sa sinabi ni Anne, “Alam naman nating lahat na masaya ito kapag kasama ka namin.”

Ngunit nangako naman ang Kapamilya TV host-actress na kapag super safe nang mag-travel mula sa Australia pabalik ng bansa ay uuwi siya agad. “Basta malapit na,” aniya pa.

* * *

Inulan naman ng tukso ang rumored couple na sina Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago nang mag-guest sila sa live episode ng “Showtime” kahapon.

Mukhang unti-unti nang ibinabandera ng dalawa sa publiko ang tunay na estado ng kanilang relasyon. Mula nu’ng kumalat ang balitang sila na ay hindi pa rin sila diretsahang umaamin.

Sabay na nag-guest sina Jodi at Raymart sa “Showtime” kahapon pero hindi sila nagkasama on stage. Magkaiba kasi ang sinalihan nilang segment.

Naglaro si Raymart para sa “Name It to Win It” kasama ang kuya niyang si Rowell habang join naman si Jodi sa “Hide and Sing” segment kung saan kailangan niyang hulaan kung sino ang tunay na singer sa tatlong singer na nakamaskara.

Ngunit kahit hindi sila nakitang magkasama sa stage, tinukso pa rin sila ni Vice Ganda tungkol sa kanilang relasyon.

Hirit ni Vice, dapat daw ay sila ng aktor ang magka-team sa game dahil parehong maligaya at makulay ang kanilang lovelife. Aniya, “Raymart, sama-sama ang mga in love!”

Tilian at palakpakan naman ang mga taong nasa studio.

Nu’ng si Jodi naman ang nasa stage para nga sa “Hide And Sing”, pareho sila ng hula ni Vice na ang ikatlong masked singer ang tunay na mang-aawit.

Hirit uli ni Vice “Kilala ko yung boses number three. Boses pa lang. Kilalang-kilala ko iyan, napapanood ko iyan. Pamilya iyan ng artists. Raymart iyan, number three!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya naman sigawan uli ang mga kasama nila sa studio. Puro ngiti at iling lang ang sagot ni Jodi sa panunukso ni Vice.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending