‘High Rise Lovers’ nina Lovi, Winwyn at Tom ibang klaseng kwento ng kabitan, ahasan
HINDI lang basta tungkol sa kabitan, ahasan o other woman ang kuwento ng “High Rise Lovers,” ang ikatlong kuwento sa Kapuso drama anthology na “I Can See You”.
Bukas na ng gabi magsisimula sa GMA Telebabad ang “High Rise Lovers” na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Tom Rodriguez at Winwyn Marquez.
Kamakailan, humarap sa virtual presscon ang tatlong Kapuso stars para sa nasabing proyekto at excited nga nilang ikinuwento ang mga naging experience nila sa pagbabalik-taping under the new normal.
Lahat sila ay nagkakaisa sa pagsasabing mas challenging ang lock-in taping dahil may oras talaga silang sinusunod kaya kailangang matapos ang lahat ng kanilang eksena sa ibinigay na deadline.
In fairness, kahit nga limited ang time at sa istriktong pagpapatupad ng health protocols sa set, nagawa naman daw nila ang lahat ng hinihingi ng kanilang direktor sa bawat eksena.
“High Rise Lovers” is a story of a married couple, na gagampanan nina Tom at Lovi na dadaan sa kung anu-anong pagsubok dahil sa kakulangan sa communication at sa magkaiba nilang mga gusto sa buhay.
“What I find interesting about my character is that she is a career woman but she gets into this dilemma of choosing between saving her relationship and getting the career that she wants,” ani Lovi na gumaganap bilang isang goal-oriented and workaholic woman.
“I think that’s one thing everyone can relate to kasi most of us are actually having trouble trying to balance or juggle both,” dugtong pa ng aktres.
Ayon naman kay Winwyn, who plays the role of a free-spirited, passionate and charming singer, siguradong makaka-relate sa karakter niya ang mga “younger ones”.
“Si Ysabel kasi, she’s very free-spirited and she doesn’t like commitment. She just wants to have fun. Iniisip niya rin ‘yung sarili niya.
“I think a lot of younger ones can connect with this character. At the same time, deep inside naman kasi we also want to find love. Paggising natin sa umaga gusto na rin natin na may kasama tayo.
“So I think I’m going to connect sa mga bata siguro lalo na ‘yung mga takot magkaroon ng commitment,” pahayag ng Kapuso beauty queen-actress.
Sey naman ni Tom, the series will challenge the social standards about how couples should live.
“For me, I really find it interesting. ‘Yung character ni Lovi is the modern woman na challenging the social norms na dapat ‘yung lalaki ‘yung haligi ng tahanan, siya ‘yung nagpo-provide.
“Pero paano kung hindi ‘yun ‘yung sitwasyon? Ako, I didn’t think that I would be able to relate kay Luis na hindi siya ‘yung breadwinner sa setup at situation nila ni Samantha na how do you deal with the pressure of trying to provide,” aniya pa.
Ang “I Can See You: High Rise Lovers” ang papalit sa nagtapos ng “The Promise” nina Paolo Contis, Yasmien Kurdi, Andrea Torred at Benjamin Alves na magsisimula na nga bukas sa GMA Telebabad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.