Mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 336,926 | Bandera

Mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 336,926

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - October 10, 2020 - 05:20 PM

Hindi muli lalagpas sa 2,000 ang panibagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) ngayong Sabado (October 10), umabot na sa 336,926 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 54,594 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 2,249 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Umaabot sa 85.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild, 10 porsyento ang asymptomatic, 1.3 porsyento ang severe, habang 2.9 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 87 ang napaulat na nasawi kung kaya’t umakyat na sa 6,238 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 842 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 276,094 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending