Para kay Paolo responsibilidad ang pagiging comedian; 'The Promise' may pasabog sa ending | Bandera

Para kay Paolo responsibilidad ang pagiging comedian; ‘The Promise’ may pasabog sa ending

Ervin Santiago - October 09, 2020 - 12:18 PM

PARA sa Kapuso host-actor na si Paolo Contis hindi lang basta trabaho ang pagiging comedian niya kundi isa ring “responsibilidad.”

Naniniwala ang Kapuso actor na napakalaki ng naiaambag ng mga comedy shows mapa-TV man o online sa panahon ngayon ng pandemya.

Ayon sa partner ni LJ Reyes, sa ilang taong pamamayagpag sa ere ng gag show nila nina Michael V na “Bubble Gang” nag-evolve na rin ang mission ansd vision ng programa lalo pa ngayong patuloy pa rin ang banta ng COVID-19.

Sa panayam ng GMA, todo ang  pasalamat ni Paolo sa “Bubble Gang” creative director na si Bitoy dahil sa tiwalang ibinibigay nito aa kanyang talento bilang komedyante.

Ipinagkatiwala kasi sa kanya ng COVID survivor ngayon anh paggawa ng mga bagong concept para sa “Bubble Gang” kaya naman mas na-challenge siya sa pagiging comedian.

“Siyempre, we’re still taking his lead, ika nga. Ang nasa utak namin ‘what would Bitoy do?’ Feeling lang niya ako siguro kasi ako talaga ‘yung maboka eh,” chika ni Pao.

Aniya pa, “Saka feeling naman namin responsibilidad namin ‘yun sa publiko, especially now that people need a laugh. Feeling namin ngayon kami kailangan lalo ng public, itong ‘Bubble Gang.'”

Samantala, ngayong gabi na ang finale episode ng “I Can See You: The Promise” sa GMA Telebabad kung saan kasama rin niya sina Andrea Torres, Benjamin Alves, Yasmien Kurdi, at Maey Bautista.

In fairness, umani na naman ng papuri si Pao dahil sa akting niya sa bagong Kapuso mini-serye. Talagang puro positibong komento ang natatanggap niya mula sa viewers.

Lalo na sa mga drama at hugot moments niya na malapit na sa pagkabaliw habang nangungulila nga sa namatay niyang asawa played by Yasmien Kurdi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At sa huling gabi, marami pang magaganap na twists and turns sa kuwento kaya huwag na huwag bibitiw sa pasabog na ending ng “ICSY: The Promise” sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending