Yassi tuloy ang pagpapagawa ng bahay kahit may pandemya; kilalang aktres tinaasan pa ang TF
NAKATITIYAK kaming malaki na ang ipon ni Yassi Pressman mula sa mga pelikula niya sa Viva Films, product endorsements at siyempre sa “FPJ’s Ang Probinsyano” na nasa ikalimang taon na.
Kaya naman proud niyang ipinakita sa kanyang Instagram account ang ipinagagawa nilang bahay ng kapatid na si Issa Pressman.
“Under construction,” ang caption sa ipinost na larawan ni Yassi na ilang pirasong bricks palang ang nakatayo at bakal bilang poste ng bahay. Nakita ring kasama ang contractor ng bahay na dala-dala ang blue print.
Marami sa mga kilalang personalidad ang tahimik na nagpapagawa ng bahay o nagpapa-renovate kahit may COVID-19 pandemic. Siguro’y matagal na itong nakaplano bago pa magkapandemya.
Sila ‘yung nakapagtabi ng mga kita nila kaya kahit walang regular na trabaho ‘yung iba maliban kay Yassi ay keri nilang gumastos.
May sikat na aktres na nagpapagawa ng bahay niya na tahimik lang din kaya naman sobrang nagpapasalamat siya dahil balik-taping na siya sa kanyang regular show.
At imbes na bawasan ang kanyang talent fee dahil sa pandemic ay tinaasan pa raw dahil nag-renew na siya ng kontrata.
Oo nga naman kapag nag-renew ay may adjustment na lalo’t may manager siya na nakikipag-negotiate para sa kanyang talent fee.
Going back to Yassi, kabaligtaran naman ang nangyari sa kanya dahil binawasan siya ng talent fee dahil nga sa nangyari sa ABS-CBN, pero okay lang iyon sa kanya dahil lahat naman ng artista ngayon sa network ay bawas-suweldo pati na rin ang mga empleyado.
Anyway, sitsit sa amin ay kayang tapusin ang bahay nina Yassi at Issa sa 2021 kung wala nang mangyayaring aberya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.