Bela Padilla luma-lovelife na: The one I met in St. Gallen!
PINAKILIG ng Kapamilya actress na si Bela Padilla ang madlang pipol matapos ibandera ang lalaking nagpapaligaya sa kanya ngayon.
Ilang oras lang ang lumipas pagkatapos mag-post ng litrato niya sa Instagram na kuha sa Cappadocia, Turkey, sinundan agad ito ng isang photo kasama ang isang lalaking mukhang foreigner.
Makikita sa picture si Bela at ang guy na nagngangalang Norman Ben Bay na may hawak na wine glass na sinasabing kuha sa Rose Valley, na isang kilalang tourist spot sa Cappadocia.
Sa isa pang photo makikita naman na hinahaplos ni Norman ang noo ni Bela habang nakatingin sa mukha ng dalaga.
Ang caption ng aktres sa ipinost niyang litrato sa IG, “The one I met in St. Gallen.”
Nag-comment naman dito si Norman ng “Hi love,” at “Mahal kita.”
Ang feeling ng followers ni Bela, posibleng nakilala niya si Norman habang nagsu-shooting sila ni Carlo Aquino para sa pelikula nila noong 2018 na “Meet Me In St. Gallen.”
Bumuhos naman ang mga pagbati para kina Bela at Norman mula sa mga kaibigan at kasamahan sa trabaho ng dalaga. Umabot na rin sa halos 200,000 ang nag-like sa kanilang sweet photos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.