9 sa bawat 10 Pinoy kuntento sa performance ni Pangulong Duterte
Kuntento ang siyam sa bawat sampung Filipinos sa performance ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong may problema ang bansa sa pandemic ng COVID-19.
Sa resulta ng Pulse Asia survey, 91 percent ng mga Pinoy ang nagsabing aprubado nila ang performance ni Pangulong Duterte.
5 percent lamang ang nagsabi hindi sila kuntento at 5 percent ang undecided.
Ginawa ang survey noong September 14 hanggang 20.
Si Vice President Leni Robredo naman ay nakatanggap ng 57 percent na approval rating, 22 percent na disapproval at 21 percent and undecided.
Si Senate President Tito Sotto ay nakakuha ng 84 percent na approval rating habang 70 percent ang approval rating ni ouse Speaker Alan Peter Cayetano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.