CLAUDINE wala nang epek ang pagpapaawa, mas marami pa rin daw kakampi si RAYMART
Nagpa-interview si Claudine Barretto at ang abogado niyang si Atty. Ferdinand Topacio sa ilang members ng entertainment press, maraming sinabi si Claudine, kabilang na ang kasalukuyang pamumuhay nila ng mga anak nila ni Raymart Santiago at ang galit niya sa pamilya ng nakahiwalay na asawa.
Gusto lang daw idepensa ng aktres ang kanyang sarili laban sa mga kakampi ni Raymart, kabilang na ang kuya nitong si Randy Santiago, na wala raw ginawa kundi ang sirain ang kanyang pagkatao.
Pero sa kabila nito, mas marami pa rin ang naniniwala na huli na para ipagtanggol ni Claudine ang kanyang sarili. May isa kaming nakausap, na nagsabing sana raw ay hindi na nagsalita pa si Claudine dahil tahimik na naman ang kampo ni Raymart, at parang late na late na raw ang reaksiyon niya.
Sana raw ay sa korte na lang siya nagsalita para na rin sa proteksiyon niya at ng kanyang mga anak. Habang dumadakdak daw kasi siya in public ay mas lalo lang siyang nadidiin, tiyak naman daw na lalabas at lalabas sa korte ang katotohanan.
Pero in fairness naman daw kay Claudine, talagang mas tumapang ito ngayon, as in palaban na ang kanyang mga emote. But some individuals say, bakit daw kahit na anong paliwanag ang gawin ni Claudine, mukhang kaunti na lang ang naniniwala sa kanya?
Bakit parang mas maraming kakampi si Raymart? E, kasi nga, sa history ng showbiz career ng aktor, mabibilang sa daliri ang kinasangkutan niyang kontrobersiya, kumpara kay Claudine?
Well, karapatan naman ni Claudine ang ipagtanggol ang sarili niya sa mga taong sa tingin niya’y nakakasakit na sa kanyang damdamin, at naniniwala kaming tao lang din siya na nasasaktan kapag siya’y inaalipusta at nilalait ng ibang tao. Teka, teka, teka, hindi ba’t may gag order ang dating mag-asawa mula sa korte? Anyare?
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.