Dennis kay Jay Sonza: Mag-public apology ka na lang sa anak ko, regalo mo na sa akin
AYAW na sana ni Dennis Padilla na umabot pa sa demandahan ang issue sa pagitan ng anak na si Julia Barretto at Jay Sonza.
Kung siya lang daw ang masusunod gusto niyang maayos ang kontrobersya sa maayos na usapan dahil kaibigan din ang turing niya sa dating broadcaster.
Pero siyempre, suportado niya ang desisyon ni Julia na kasuhan si Jay Sonza matapos ipagkalat na buntis umano ang dalaga at si Gerald Anderson ang tatay.
“I feel sad din na nakaka experience si Julia ng mga ganito dahil siyempre instead of focusing on your career and your plans sa buhay, ay may mga konting obstacle na dumarating.
“And I’m sure naman na Julia can handle it kasi matapang rin naman ‘yan e, alam niya kung kailan dapat lumaban at alam rin niya kung dapat mag-apologize,” pahayag ng veteran comedian sa panayam ng Cinema News Home Edition.
Pagpapatuloy pa ni Dennis, “Sinabi ko nga na I hope wag nang umabot sa kasuhan, ang gusto ko sana we can settle this amicably and I hope that Jay Sonza, si Kuya Jay ay mag-public apology na lamang.
“Kaya lang siyempre karapatan rin naman ng anak ko na mag file ng kaso kasi she’s an adult and she has to protect her name,” lahad pa niya.
Katwiran pa ng tatay ni Julia, “Number 1, ano siya e sikat na aktres, ‘di ba, nirerespeto ng maraming fans and I respect her decision because she’s an adult she’s already 23 so, kung anuman ang mga desisyon niya nandoon lang ako sa likod niya.
“Kaya nu’ng mag-file siya, tinext ko lang siya na ‘Anak, I’m just a text away, nandito ako sa Batangas doing a teleserye with KathNiel.’
“Tapos sumagot siya, ‘Thanks Papa, ingat ka diyan sa taping, be safe and observed all health protocols.’ Yun ang sinabi niya,” dagdag na pahayag pa ng comedian.
Ito naman sabi ni Dennis nang hingan ng mensahe para kay Jay Sonza, “Kuya Jay, ikaw ay nirerespeto ng lahat. Nirerespeto kita hindi ka rin iba sa akin, kuya na rin kita dito sa industriya.
“I hope you make a public apology for my daughter and for us, for me sa tatay ni Julia at for Marjorie sa nanay niya and for the whole Baldivia clan and the whole Barretto clan.
“Kasi mahal namin ‘yun e, mahal namin kaya kapag mayroon kang taong minamahal, pinoproteksyunan mo ‘yun at kapag alam namin na ang laban niya e’ parehas siyempre doon kami,” ayon pa sa ama ni Julia.
Handa rin niyang samahan ang anak sa legal battle nito anumang oras, “Yes I’m willing. Siyempre anak ko ‘yun e ‘di ba? Pero ako ang wish ko lang na kuya Jay mag public apology ka na lang para sa anak ko. Regalo mo na sa akin ‘yun. Di naman ako iba sa ‘yo.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.