Mega nagluluksa sa pagkamatay ng solid Sharonian: Never mo akong iniwan o ipinagpalit
NAGLULUKSA ngayon ang Megastar na si Sharon Cuneta sa pagpanaw ng isang solid Sharonian.
Ibinahagi ng Kapamilya singer-actress ang malungkot na balita sa kanyang Instagram followers kasabay ng mahabang mensahe para kay Remy Ramirez.
Ayon kay Sharon, si Remy ay ang presidente ng The Solid Sharon Cuneta Fan Club na nagsimulang sumuporta sa kanya noon pang late ‘70s o early ‘80s.
Aniya, “I am so heartbroken…
“I had turned off all notifications on my phone for my messages & have not been checking them since several days ago, like I haven’t been on any social media except to post my ‘Thank Yous’ on IG, when I started my socmed & phone detox.
“As it turns out, which my masahista Bing told me about just now, one of my ‘originals,’ my REMY RAMIREZ, the President of The Solid Sharon Cuneta Fan Club since the late ‘70s or early ‘80s and who stayed solid and loved me ‘til the very end.
“When she became sick, and who now, has left behind me & other Sharonians, epecially those who were her members, and many who just became her friends,” mensahe pa ng Megastar.
Sa isa pa niyang post, sinabi ni Shawie na basag ang puso niya ngayon dahil sa pagpanaw ng mga taong malapit sa kanya.
“I am heartbroken…Too many of those close to my heart have been going since last year…This year, when COVID has taken away many, other things took my beloved friends, my family in my Tita Paz, other relatives…2020 sana matapos na ang pagkuha mo sa amin at mga mahal namin,” pahayag pa niya.
Dito, muli siyang nagbigay ng madamdaming mensahe para sa namatay niyang Sharonian.
“Remy, nasaan ka man, hinding-hindi kita kakalimutan. Mas matagal pa kitang kilala kesa sa Papa ni KC! Bata pa talaga ako nung nagkakilala at minahal mo ako.
“At saludo at nagpapasalamat ako sayo ng buong puso…kasi NEVER mo akong iniwan o ipinagpalit…o kahit ‘dinagdagan’ ng ibang idolo…napakasakit sa aking malaman na ni di tayo pinagbigyan ng Covid na magkita man lang bago ka umalis.
“Di man kita nayakap ng mahigpit at napasalamatan at nasabihan ng gano kita kamahal, gaano kita inaappreciate, at na di kita makakalimutan…Maraming salamat, Remy ko…sa mga asalto sa birthdays ko nung bata pa ako sa Dasma, kung saan kasama mo ang ibang Sharonians at mga kaibigan mo sa Cursillio…magsisindi kayo ng kandila, kakantahan nyo ako ng happy birthday – tapos may cake na.
“Tapos sasayaw na tayo sa driveway namin. At all these years, di ka nagbago sa pagmamahal at loyalty mo sa akin…I will miss you so much, my Remy…I feel like I just lost another part of my youth, kasi kasama kita mula noon…
“May you rest in peace, dearest Remy…I know you are with God kasi puro at tapat ang puso mo…ako lang talaga ang minahal mo…di ko kakalimutan yon kahit kailan…Maraming, maraming salamat sa pagmamahal at loyalty mo sa akin…Mahal na mahal kita,” ang mensahe pa ni Mega.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.