Christian, Kat madi-delay ang pagkakaroon ng baby; The Clash season 3 hahataw na
NANG dahil sa patuloy na banta ng COVID-19 pandemic, ipagpapaliban muna ng mag-asawang Christian Bautista at Kat Ramnani ang plano nilang magka-baby this year.
Inamin ng Kapuso singer-actor na talagang napakalaking challenge para sa kanya ang ilang buwang lockdown dahil sa killer virus lalo’t isa na siyang husband ngayon.
Two years na silang kasal ni Kat sa darating na November kaya nagpaplano na rin silang magkaroon ng anak. Pero mukhang madi-delay nga raw ito dahil sa pandemya.
“Mahirap din sa akin dahil mas pressure ang napunta sa akin kasi I am a husband so suddenly the husband had no work.
“So, I am blessed and thankful na my wife still has work, of course, ’cause she’s in corporate,” simulang pahayag ni Christian na magbabalik na bilang judge sa “The Clash Season 3” na magsisimula na ngayong gabi sa GMA 7.
Ayon sa Kapuso singer, nawalan talaga siya ng mga show at puro online lang ang kanyang guesting. Kaya naman nag-isip siya ng ibang pagkakakitaan tulad ng pag-i-invest, “‘Yung mga thoughts ko na dapat ba mag-farming ako, dapat ba sa corporate ako pumapasok, dapat ba meron kang ginawang side businesses long ago.
“So ang ginawa ko, ngayon na lang ako magsa-side business, ngayon na lang ako maghahanap kung ano pwede kong i-broker, anong pwede kong i-social media influence, paano ako kikita sa livestream, gagawa ba ko ng kanta, magpo-produce ba ko.
“It’s really more of creating out of nothing, that’s what I always say,” chika ni Christian.
At tungkol nga sa pagkakaroon ng anak, kung maraming celebrities ang nagbubuntis ngayong panahon ng pandemic, pass muna raw ang mag-asawa hanggang sa maging safe na ang kapaligiran.
Ani Christian, “Merong mga families na nagkaroon din ng baby, of course, during the pandemic pero meron ding challenges, of course, na ‘yung iba wala pang vaccine.
“Some people are okay going to hospitals, some people are still scared to go to hospital. The virus is still everywhere, the cases are still going up.
“So for now po muna siguro, ‘di po muna namin pina-plan, as of the moment, until medyo nakakakita na kami ng level of consistency either sa rising cases.
“Kasi ‘yung ibang bansa kaya naman, e. ‘Yung ibang bansa habang wala pang vaccine, nababa nila, e. So kaya din natin ‘yan, naniniwala ako. Pero ngayon medyo careful lang muna kami ni Kat,” paliwanag niya.
Samantala, nagpapasalamat si Christian sa GMA dahil balik-trabaho na siya at ilan pang Kapuso stars. Balik-studio na sila sa “All Out Sundays” at simula na tonight ang bagong season ng “The Clash” bilang judge.
* * *
All set na nga ang pagsisimula ng The Clash Season 3 ngayong gabi at excited na rin na nagbabalik ang The Clash Panel na sina Asia’s Nightingale Lani Misalucha, Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, at Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas.
Para sa judges, nakakapanibago ang experience ng taping under the new normal. Kuwento ni Christian, “Yung thoughts na pumasok sa akin, magiging extra nice ba ako kasi syempre we’re in a pandemic, lahat tayo may pinagdadaanan.
“So, ang sabi ko sa sarili ko, maybe in the beginning I’ll be a little less serious pero I owe it to the show, to the past seasons to be stricter in the next challenge kasi we still want the best Clasher, the best contestant.
“Whether we’re in a pandemic or not, ‘yun talaga ‘yung nangyayari sa The Clash. It’s a difficult contest,” aniya pa.
Sey naman ni Lani, “Pandemic man o hindi, I guess gagawin pa rin talaga namin ang dapat namin gawin. Ako kasi ‘yung tipong motherly na pinipilit kong sabihin sa kanila in a nicer way ‘yung comments at criticism.”
At para kay Ai Ai, “Ako pa rin ang nagpu-provide ng kalokohan. Pero most of the time, mabait din ako mag-judge pero pagdating sa gitna syempre kailangan na namin maghigpit talaga.”
Mapapanood na ang “The Clash Season 3” tuwing Sabado (7:15 p.m.) at Linggo (7:45 p.m.) simula ngayong Oct. 3 sa GMA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.