Julia walang planong patawarin si Jay Sonza: I was proud of myself
MUKHANG walang balak patawarin ni Julia Barretto ang dating broadcast journalist na si Jay Sonza.
Paninindigan ng young actress ang kasong isinampa niya laban kay Jay Sonza kasabay ng paghikayat sa lahat ng celebrities na patuloy na labanan ang fake news sa social media.
Kinasuhan ng cyberlibel ni Julia ang dating news anchor matapos nitong i-post sa kanyang social media account na buntis daw ang aktres kay Gerald Anderson.
Sabi ng dalaga ang desisyon niyang dalhin sa korte ang issue ay hindi lang para sa kanya kundi para sa lahat ng mga biktima ng fake news, pambu-bully at paninirang-puri.
“I was proud of myself because, for the first time, I stood up for myself. For the first time, I defended myself. And for the first time, I protected myself,” ang pahayag ni Julia sa isang panayam.
Pahayag pa ng dalaga, “Marami na akong pinalagpas na mga false information about me, na usually dinededma ko lang.
“Pero, siguro, I just felt like it was about time to make an action, to try to stop it,” aniya pa tungkol sa ipinakalat na pekeng balita ni Jay Sonza.
“I’m putting my foot down and showing people that enough is enough.
“I can’t tolerate fake news anymore especially involving me or my family and anyone close to me,” pahayag pa ng aktres.
Ipinagdiinan din ng anak nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto na ang mga sensitibong issue tulad ng pagbubuntis ay hindi dapat ginagawang parang tsismis na basta na lang ibabalita ng kahit sino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.