B-day gift ni Andrea sa ina, free makeover; Julie Anne, Rayver swabe ang pagbabalik-taping | Bandera

B-day gift ni Andrea sa ina, free makeover; Julie Anne, Rayver swabe ang pagbabalik-taping

Ervin Santiago - October 02, 2020 - 09:38 AM


NAGING extra special ang birthday ng mommy ni Kapuso actress Andrea Torres dahil siya mismo ang nagbigay ng makeover sa kanyang ina.

“Cut Mommy’s hair for her birthday! 1st time!!! Hehehe! So relieved it turned out nice and even. That was fun!!!

“Next, color! Hahaha! Papacheck natin ‘to kay @studiofixbyalexcarbonell! Happy Mommy = Happy Ada,” ang bahagi ng caption ng Kapuso sexy actress sa kanyang Instagram post.

Sa mahabang sweet message na ibinahagi ng dalaga, nagpasalamat din siya sa walang-sawang pagmamahal at pagsuporta sa kanya ng ina.

“Thank you Mommy for your unconditional love. We don’t have a perfect relationship or a perfect life, but that is all I need.

“You’ve given me a love so big it makes me sentimental just thinking about it. Thank you for giving me life and for doing your best to make it colorful and meaningful.

“You are the best, Mommy. Seriously, you are. I love you. Happy birthday!!!”

Samantala, muling mapapanood sa telebisyon si Andrea sa pangalawang installment ng drama anthology na “I Can See You: The Promise” kung saan makakasama niya sina Paolo Contis, Benjamin Alves, Maey Bautista at Yasmien Kurdi.

Magsisimula na ang “The Promise” sa Lunes (Oct. 5) sa GMA Telebabad kapalit ng “Love On The Balcony” nina Alden Richards at Jasmine Curtis.

* * *

Ngayong Sabado na mapapanood ang season 3 ng original musical competition ng GMA Network na “The Clash” with the Clash Masters Rayver Cruz and Julie Anne San Jose.

Kuwento ni Rayver, naging swabe ang taping nila sa show at talagang bumilib siya sa production team.

“Sa umpisa  lang po nakakapanibago, pero kapag naka-start na ng taping and nakapa mo na ulit ‘yung trabaho, unti-unting bumabalik sa dati ‘yung flow.

“Para maitawid yung bawat episode, hindi naman naging ganu’n kahirap kasi tulungan lahat.

“Konti ‘yung manpower, pero in sync pa rin lahat. Actually sobrang nagagalingan ako sa The Clash production at sa buong team kasi nga ang swabe ng lahat,” pahayag ng Kapuso TV host-actor-dancer.

Para naman kay Julie Anne, sa ibang aspeto sila ng show nahirapan, “Production-wise, hindi kami masyadong nahirapan kasi alam naman na namin ‘yung flow ng show at breakdown ng sequences.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Siguro yung hirap sa ibang aspect. Sa mismong contest proper, siyempre nasa competition sila at mabigat sa feeling namin kapag may hindi nakapasok, ‘yun ‘yung naging mahirap,” chika ni Julie Anne.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending