Kris balik-trabaho kahit ayaw ng fiancé: Pero pag-iisipan ko na kung magte-taping uli ako…
KAHIT kontra ang kanyang fiancé na si Perry Choi sa pagbabalik niya sa trabaho, tinanggap pa rin ni Kris Bernal ang guesting niya sa “Wish Ko Lang.”
Hindi nagpapigil ang Kapuso actress sa kanyang future husband dahil talagang miss na miss na raw niya ang pag-arte sa harap ng camera at kailangan na rin daw niyang kumita ng pera.
Sa pamamagitan ng kanyang bagong vlog sa YouTube, ipinakita ni Kris ang naging experience niya sa new normal taping nang gawin niya ang isang episode ng “Wish Ko Lang” ni Vicky Morales.
Ito ang raw kauna-unahan niyang pagbabalik-trabaho simula nang mag-lockdown sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic.
“Actually, hindi ako pinayagan ng fiancé ko but then I told him na ‘This is my job, e.’
“If hindi ko ito tatanggapin, ano na lang gagawin ko, ‘di ba? Ano pang pwede kong gawing trabaho?
“I mean, I have my businesses pero hindi naman siya enough to sustain me, hindi naman ako malaking negosyo, ‘di ba?
“I really have to work and this is my passion. Gusto ko magtrabaho but ano na nga lang, talagang extra extra extra careful,” ang paliwanag niya sa kanyang fiancé.
Wala nang nagawa si Perry dahil nakita niyang gustung-gusto na ring mag-work ni Kris kaya naman pinabaunan na lang niya ng mga pagkain sa taping ang kanyang future wife.
Sa kabuuan ng kanilang trabaho, wala naman daw naging problema ang produksyon at talagang napakahigpit daw ng ipinatutupad ng health protocols.
“It was smooth, okay naman, I felt safe. But of course, wala namang pinipili ang virus.
“Ang talagang fear ko lang is every time I really take of my mask and then balik and then tanggal ulit and then balik. Siyempre, may mga time na matagal talaga kaming ‘di nagsusuot ng mask. So, hindi natin alam, alam n’yo naman, ‘di ba?
“Kahit anong ingat mo, kahit anong ingat ng isang tao, sila pa ang tinatamaan so, natatakot din talaga ako. Alagang-alaga naman kami sa taping ng GMA.
“Kung tatanungin n’yo ko if magte-taping pa ako ulit, baka I’ll have second thoughts na, pag-isipan ko na. Though I felt safe, dahil ang dami rin naming hinahawakan, wall, mga props na hindi natin alam or whatever.
“Though they really disinfect but of course sa dami ng hinahawakan naming basta-basta and then we take off our mask, hindi ko masabi if okay ulit ako mag-taping,” pag-amin ni Kris.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.