Love story nina Kiray at Stephan nagsimula sa Mobile Legends: Ang sakit nang pagkatalo namin | Bandera

Love story nina Kiray at Stephan nagsimula sa Mobile Legends: Ang sakit nang pagkatalo namin

Ervin Santiago - October 01, 2020 - 09:27 AM

NAGSIMULA sa ML o Mobile Legends ang pagkakaibigan nina Kiray Celis at Stephan Estopia hanggang sa mauwi nga ito sa pag-iibigan.

Ayon sa komedyana, bago pa siya niligawan ng kanyang non-showbiz boyfriend last year ay magkakilala na sila.

Inamin din ng dalaga na nag-start ang kanilang love story sa paglalaro ng Mobile Legends.

“Best friend siya for 10 years ng kapatid ko tapos lagi na kaming nagkikita, magkakilala kami pero sobrang deadma,” simulang pahayag ni Kiray sa panayam ng GMA.

Ani Kiray, wala siyang nararamdaman noon kay Stephan, “Alam mo ‘yung kapag nagkita, wala lang. Hindi siya nag-e-exist sa akin, hindi rin ako nag-e-exist sa kanya kasi hindi siya gaano mahilig sa artista.

“Mayroon akong naging relationship tapos mayroon siyang naging relationship, sabay kami, three years ‘yung naging relationship namin pareho,” kuwento ng Kapuso comedienne.

“Hanggang noong November 29, to be exact, nakausap ko siya for the first time kasi nu’ng time na ‘yun, single na ako, nag-e-ML ako palagi.

“E, nag-e-ML din siya, sabi ko, ‘Tara, laro tayo.’ Tapos natalo kami, as in ang sakit nu’ng pagkakatalo namin. Alam mo ‘yung panalo na tapos natalo pa?

“Tapos bigla siyang humugot, sabi niya, ‘Okay lang matalo sa laro ‘wag lang sa pag-ibig.’

“Sabi ko, ‘Bakit parang hugot na hugot ka naman?’ E, sa isip ko, ako nga ‘tong (sawi sa pag-ibig). Siya rin pala kakahiwalay niya lang din pala. Doon nagsimula ‘yon,” lahad pa ng dalaga.

Tila pinagtagpo at itinadhana raw ang kanilang pagiging close matapos silang magkalabasan ng hugot sa lovelife. Nalaman ni Kiray na parehong-pareho sila ng pinagdaanan ni Stephan.

As in pati raw ang dahilan ng kanilang break-up sa kanilang respective dyowa ay pareho.

“Isa lang ‘yung rason. Alam mo ‘yung ito ‘yung rason nung isa, ito ‘yung rason nung isa, sabi ko, ‘Oh my God pareho!’ Sabi ko, ‘Wow. Tayo pa nga ang nasisi. Nakakaloka!’” chika pa ni Kiray sa nasabing interview.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, muling ipinagdiinan ng komedyana na hindi sila nagli-live-in ni Stephan. Magkapitbahay lang daw sila kaya madalas sa bahay nila ang binata.

“Actually araw-araw nandito siya, e. Nakakatawa nga kapag nag-aaway kami, kunwari mag-aaway kami ng 3 a.m., 4 a.m., bigla na lang ‘yan kakatok sa pinto namin. Ganu’n siya kalapit,” paliwanag ni Kiray.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending