Hirit ni Winwyn sa may mga baril: 'Wag kang stupid, 'wag kang feeling action star | Bandera

Hirit ni Winwyn sa may mga baril: ‘Wag kang stupid, ‘wag kang feeling action star

Ervin Santiago |September 30,2020
facebook
share this

Hirit ni Winwyn sa may mga baril: ‘Wag kang stupid, ‘wag kang feeling action star

Ervin Santiago - September 30, 2020 - 09:22 AM

NAGPAALALA ang Kapuso beauty queen-actress sa lahat ng mga gun owner sa bansa na maging responsable sa lahat ng pagkakataon.

Kasalukuyang sumasailalim sa military training ang dalaga bilang isa sa mga estudyante ng Philippine Navy Naval Force.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Winwyn ng ilang litrato na kuha habang nag-aaral ng tamang paggamit ng iba’t ibang klase ng baril.

Isa sa mga ipinost niyang litrato ay ang bahagi ng training kung saan tinuturuan silang mag-reload ng magazine sa isang rifle. Ang isa naman ay kung paano ang tamang paghawak at pagpapaputok nito.

Dito, pinaalalahanan nga ni Winwyn ang lahat kung gaano kahalaga ang ang malaman nila ang “basics of gun safety” para sa kaligtasan ng lahat.

“We are strongly discouraged from playing or toying with firearms because they are inherently dangerous.

“They must always be stored carefully and handled with care,” bahagi ng caption ng aktres sa kanyang IG post.

“And finally, don’t even think that owning or carrying a gun is ‘nakaka-cool or astig ako if I have one.’

“‘Wag kang stupid, ‘wag kang feeling action star. Mag training ka muna,” ang matapang pang mensahe ng Kapuso star.

Kung matatandaan, nagsimulang sumabak ang kinoronahang Reina Hispanoamericana noong 2017 sa basic military training nitong nakaraang buwan para maging Philippine Navy reservist.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Masaya pang ibinalita ng dalaga na siya ang ibinotong presidente sa kanilang batch (BCMC Class 01 2020).

Nu’ng araw naman ng kanilang enrollment ay personal pa siyang winelkam ng kapwa Kapuso at Philippine Navy reservist officer na si Rocco Nacino.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending