Kilalang Kapamilya actor nahihirapang magdesisyon kung lilipat sa TV5 | Bandera

Kilalang Kapamilya actor nahihirapang magdesisyon kung lilipat sa TV5

Reggee Bonoan - September 29, 2020 - 05:23 PM
NAG-IISIP daw mabuti ang kilalang aktor mula sa Kapamilya network kung tatanggapin ba niya o hindi ang offer ng TV5.

As of now ay wala pa siyang project dahil katatapos lang din naman ng huli niyang teleserye.

Minsang nabanggit ang pangalan ng aktor na ito na inoperan pero hindi pa sumasagot dahil ang katwiran ay pinangakuan daw ng isa pang show pagkatapos ng serye niya.

Pero hanggang ngayon ay wala pang tawag ulit mula sa production kaya tinanong niya ang handler niya kung tuloy pa ba o hindi na ang nasabing show.

Bread winner kasi ang kilalang aktor bukod pa sa may mga pinasusuweldo itong tao na nagme-maintain ng negosyo niya.

Kahit sarado pa rin hanggang sa ngayon ang business niya ay hindi pa rin niya pinapaalis ang kanyang mga empleyado.

Ang tsika sa amin, “Kung sarili lang niya ang binubuhay niya, kaya niyang mawalan ng show kahit hanggang next year pa.

“Pero hindi, e. Maraming umaasa sa kanya kaya need niyang mag-work agad,” sabi ng aming kausap.

Ang kilalang aktor ay produkto talaga ng Kapamilya network kaya medyo hirap siyang magdesisyon sa ngayon dahil umiiral pa rin sa kanya ang pagiging loyal.

Anyway, naitsika rin sa amin na may ilang talents talaga ng Star Magic ang sadyang pinigilang tumanggap ng programa sa ibang network kahit pa same management pa rin.

Binanggit ang mga pangalan sa amin, at oo naman, kapigil-pigil naman talaga dahil money maker sila ng Kapamilya network.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At higit sa lahat hindi rin talaga sila makakaalis sa istasyon dahil maraming naka-line up na projects sa kanila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending