Jak nakipagtapatan ng katawan kay Channing Tatum; Sofia nagpaalam na sa 'Prima Donnas' | Bandera

Jak nakipagtapatan ng katawan kay Channing Tatum; Sofia nagpaalam na sa ‘Prima Donnas’

Ervin Santiago |September 28,2020
facebook
share this

Jak nakipagtapatan ng katawan kay Channing Tatum; Sofia nagpaalam na sa ‘Prima Donnas’

Ervin Santiago - September 28, 2020 - 10:37 AM

HINDI nagpatalbog ang Pambansang Abs na si Jak Roberto sa Hollywood star na si Channing Tatum.

Muling ibinandera ng Kapuso hunk ang kanyang nagmumurang 6-pack abs para ipagmalaki sa kanyang pinakamamahal na girlfriend na si Barbie Forteza.

Sa kanyang Instagram Story, ibinahagi ng Kapuso Drama Princess sa netizens ang personal message niya kay Jak tungkol kay Channing Tatum.

Ipinakita ng dalaga sa kanyang dyowa ang litrato ng Hollywood star na si Channing Tatum kung saan wala itong damit at kitang-kita ang kanyang muscles at abs.

Sinagot naman ni Jak ang message ni Barbie sa pamamagitan ng isa niyang picture na nakahubad din at kita ang abs. Aniya sa caption, “Sorry, you’re saying what Channing?”

Pabirong hirit na reply sa kanya ni Barbie, “Ay, iba din naman. Palaban! ‘Di ko alam kung sa abs ako magugulat o sa English, e. @jakroberto.”

Kasunod nito, napilitang i-repost ni Jak ang Instagram Story ni Barbie at sinabing bigla siyang nahiya sa pakikipagkumpetensiya niya kay Channing Tatum na bumida sa mga Hollywood movies na “Step Up”, “Magic Mike”, “21 Jump Street”, “G.I. Joe” at marami pang iba.

* * *

Pormal nang nagpaalam ang Kapuso youngstar na si Sofia Pablo sa viewers ng afternoon series na “Prima Donnas”.

Ito’y matapos na ihayag ng GMA 7 management na hindi na siya mapapanood sa nasabing serye bilang isa sa tatlong mga bida. Ibig sabihin sina Jillian Ward at Athena Alban na lang ang matitira bilang mga “Donnas”.

Base sa guidelines ng Department of Labor and Employment (DOLE), hindi pa pinapayagan ang mga batang nasa edad 14 pababa na lumabas o magtrabaho habang ipinatutupad ang community quarantine dulot pa rin ng COVID-19 pandemic.

Nag-post si Sofia ng video na naglalaman ng ilang eksena niya sa serye na may caption na “Mahal kayo ni Len Len.”

Pinasalamatan ng bagets ang mga bossing ng GMA pati na ang cast at crew ng “Prima Donnas,” kabilang na riyan ang special shoutout niya para kina Direk Gina Alejar, Aiko Melendez, Wendell Ramos, Katrina Halili, Chanda Romero at sa mga “kapatid” niya sa kuwento na sina Jillian at Athena.

Narito ang mensahe ni Sofia sa kanyang fans, “Salamat sa walang sawang pagsupporta kay Len Len.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Salamat sa lahat ng nagmahal kay Donna Lyn Claveria, ang masayahin, positibo, makulit, mapagmahal at bunso sa tatlong Donnas.

“No goodbyes, see you next time. Len Len is now signing off,” sabi pa ng 14-year-old Kapuso actress.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending