Global death toll ng COVID-19, higit 993,000 na | Bandera

Global death toll ng COVID-19, higit 993,000 na

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - September 26, 2020 - 06:52 PM

 

Pumalo na sa mahigit 993,000 ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 993,413 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 208,440.

Sumunod na rito ang Brazil na may 140,709 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 93,410 naman ang death toll sa India habang 75,844 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:

– United Kingdom – 41,936

– Italy – 35,801

– Peru – 32,037

– France – 31,661

– Spain – 31,232

– Iran – 25,222

– Colombia – 25,103

– Russia – 20,056

– South Africa – 16,312

– Argentina – 15,208

– Chile – 12,527

– Ecuador – 11,236

– Indonesia – 10,218

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 32,758,340 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 24,171,877 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending