‘Walang Hanggang Paalam’ paano nga bang ginawa sa gitna ng pandemic?
Bago pa nagkaroon ng coronavirus pandemic ay nasimulan nang i-shoot ang “Walang Hanggang Paalam.” Kaya naman umubra pa ang batang si Robbie na sa kanyang edad ay hindi pasok sa guidelines ng Department of Labor and Employment. Sa ilalim ng community quarantine, bawal magtrabaho o lumabas sa mga programa ang mga batang may edad 15 pababa.
Natanong kasi kung may restrictions ang shooting habang may pandemic.
“Sinyut namin ito wala pang pandemic. Actually, napakaliit ng consciousness namin sa virus during that time so nagulat kami napakaganda ng produkto kanina (pagkatapos ng screening). Parang hindi nangyari ‘yung pandemic,” pahayag ni Direk Manny Palo.
Base kasi sa napanood namin para sa ilang gabing episodes ng “Walang Hanggang Paalam” ay hindi mo aakalain na sinu-shoot ‘yun habang pandemic at ang daming restrictions, though mapapansin mon na rin na may social distancing ang lahat ng nagsisiganap, lalo na ‘yung sa eksenang kinakausap ni Paulo Avelino ang anak niyang si Robbie na isang dipa ang layo nila at isang beses lang ‘yung eksenang magkayakap sila na nakunan pa bago ang pandemic nga.
Ikinuwento naman ng writer ng show na si Joel Mercado na bilin daw sa kanya (bosses) na huwag pigilan o limitahan ang kuwento ng istorya at saka makipag-compromise sa production kung ano ang puwede at hindi puwedeng i-shoot o gawin habang pandemic.
“Maraming restrictions, pero nakita n’yo naman kanina (preview), proud to say na with all those restrictions parang wala,” natawang sabi ni Joel.
Hirit naman ng host ng zoomference na si MJ Felipe, “Ganu’n kagaling sina direk Manny at Darnel (Villaflor).”
Kuwento naman ni direk Manny, “Actually last year pa itong project, though nababalita na ‘yang pandemic sa China, hindi naman natin akalain na makakarating sa Pilipinas. E, naka-green light na ang project (Walang Hanggang Paalam). So it’s for us how to do the project despite ‘yung limitations dahil sa conditions.
“Hindi natin sina-sacrifice ‘yung safety ng mga tayo, production team and all our actors and at the same time without compromising the quality of the show. Kasi before the pandemic malaki (scope) kaya ang sabi sa amin is how to mount na hindi halata sa panahon ng pandemya. So it was really a big challenge for us so we decided to shoot in a very safe place. Kasi at that time it’s not safe to shoot in Manila, so we have to shoot all the sequences in Subic (Zambales). So we decided to shoot in April. Di ba ‘yung April na ‘yun ang height ng pandemic.”
Nabanggit ding half-way na ang shoot ng “Walang Hanggang Paalam” at maraming naipon na.
At dahil pandemic nga paano napapayag sina Angelica Panganiban, Arci Munoz, Zanjoe Marudo at Arci Munoz na gawin ang teleserye.
“For me, hanggang sa maari tina-try nating hindi lumabas. Pero sa pagkakataong ito, kailangan na rin ng trabaho ng mga tao at pati na rin ako, so iyon ang motivation ko. hindi na ito tungkol sa aming mga artista, it’s for everyone’s work and for the show,” pahayag ni Paulo.
Say naman ni Arci, “Well honestly, I was a little bit hesitant to do it of course. We are in the middle of a pandemic and I stay with my mom and my mom is a senior citizen. But after they pitched this with me, sabi ko ang ganda ng story for me to pass, ang ganda-ganda ng role and I’ve been wanting to do an action series drama or movie. So ang bilis pagka-pitch sa akin parang nawala lahat ‘yung hesitations ko, and yeah, after a month nilang mag-pitch, nag-start na kaming mag-shoot. So I didn’t have much time to prepare but I was just really thankful. This is a blessing and sino ba naman ako to say NO!”
“Hindi ko rin alam, ha, ha, ha ikinagulat ko nandoon (taping) na ako,” tumawang sabi ni Angge. “Hindi tama naman si Pau sa rami rin ng nawawalan ng trabaho medyo mabigat sa loob ko kung tatanggi ka alam mong maraming tao ‘yung puwedeng maapektuhan kung hindi mag-push through ‘yung project. So panahon ngayon hindi na lang sarili mo ang iisipin mo, iisipin mo rin ‘yung mga ka-trabaho mo na dito rin lang umaasa.
“And siyempre sa mga makakasama kong artista na alam ko kahit nasa gitna ng pandemic, alam ko na kakayanin kasi kilala ko naman silang mahuhusay na artista. So hindi naman din siguro ganu’n kabigat, hindi magiging madali ang buhay. At na-excite ulit akong maka-trabaho si direk Manny at si direk Darnel and makabalik din sa Dreamscape and siyempre ang sarap sa feeling na mabigyan ka ng trabaho o mapili ka na may magtitiwala sa ‘yong company na kaya mong gawin ‘yan kahit na mahirap. So para rin siyang challenge accepted pero may magandang kaalalabasan naman.”
At si Zanjoe, “nakapag-shoot na kami bago pa ‘yung pandemic so dumating ‘tong pandemic, nag lockdown so hindi natin alam kung matutuloy pa ba o hindi hanggang sa tumawag sila (Dreamscape) na ‘yun nga mag-shoot kami and kami ang magde-decide.
“Medyo nag-isip ako ng matagal. Binigyan pa kami ng ABS kung willing daw kami kahit delikado, so pinag-isipan ko, gagawin ba ito ni Paulo? Sige antay lang ako ng sign at nu’ng nagpakita na ‘yung sign, tinanggap ko na ‘yung project.
“Ang sign, nagdatingan ‘yung mga construction workers sa bahay kasi nagpapagawa ako, sabi ko ay eto na ‘yung sign, kailangan kong magtrabaho.”
Anyway, mapapanood na ang “Walang Hanggang Paalam” na handog ng Dreamscape Entertainment mula sa direksyon nina Emmanuel Palo at Darnel Villaflor gabi-gabi, simula bukas, Setyembre 28, 9:20 p.m. Sabay-sabay itong mapapanood sa Pilipinas, Europe, Middle East, Asia-Pacific, Australia, at New Zealand sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, TFC, at iWant TFC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.