Piolo, Catriona may show nga sa TV5. Sino pang Kapamilya ang magiging Kapatid na?

By Reggee Bonoan September 26,2020
share this

Piolo, Catriona may show nga sa TV5. Sino pang Kapamilya ang magiging Kapatid na?

By Reggee Bonoan September 26,2020 - 01:21 PM

Kelan kaya ang big announcement ng TV5 para sa mga bagong programa nilang bibida ang Kapamilya stars na produced naman ng Brightlight Productions?

Sa pagtatanong namin ay kailangang magsimula munang mag-taping ang mga Kapamilya star ng programa nila sa TV5 bago pa man ianunsyo.  Oo nga naman.

Anyway, totoo ang mga nasulat na may show sina Piolo Pascual at 2018 Miss Universe Catriona Gray base na rin sa post ni Quantum producer Atty. Joji V. Alonso sa kanyang Instagram account.

Bukod kina Piolo at Catriona, ang iba pang Kapamilya stars na magkakaroon ng shows sa TV5  ay sina Ian Veneracion, Miles Ocampo, Wacky Kiray, Sue Ramirez, Jerome Ponce, K Brosas, Bayani Agbayani, Dimples Romana, KC Montero, Jane Oneiza, Jason Gainza, at Billy Crawford.

At ang teaser, “Life is brighter when we’re together.”

Samantala, magre-retiro na kasi si Ms Mariolle Alberto bilang head ng Star Magic. Hanggang Disyembre 31 na lang siya kaya sa Enero 1, 2021 ay papasok na ang bagong head na si Direk Laurenti Dyogi.

Dalawa na ang titulo ni direk Lauren: bilang head ng TV Productions sa Kapamilya network at hepe ng Star Magic.

At dahil sa pagre-retirong ito ni Ms Mariole na naging 2nd mom na ng lahat ng Star Magic talents ay marami sa kanila ang gustong mapawalang-bisa ng kanilang kontrata o verbal contract dahil tila gustong sundan ang tatay-tatayan nilang si Mr. Johnny Manahan na magkakaroon din ng show sa Tv5.

Ang nabanggit na pangalan nina Julia Baretto at Gerald Anderson na gustong ng magpa-release.

Any words from Gerald and Julia?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending