Regine nagsisisi nga ba na iniwan ang GMA at lumipat sa ABS-CBN?

By Ervin Santiago September 25,2020
share this

Regine nagsisisi nga ba na iniwan ang GMA at lumipat sa ABS-CBN?

By Ervin Santiago September 25,2020 - 04:20 PM

“NEVER!” Yan ang mariing pagtanggi ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa mga nagsasabing pinagsisisihan niya ang paglipat sa ABS-CBN.

Marami kasi ang nagkokomento na siguradong sinasabi ngayon ng singer-actress kung bakit umalis pa siya sa GMA 7 at lumipat sa Kapamilya Network na tuluyan na ngang ipinasara ng Kongreso.
Pero ayon kay Regine, sa kabila ng mga nangyari hinding-hindi niya pinagsisihan kahit kailan ang kanyang desisyon na maging Kapamilya.

“Kapag nga tinatanong ako, parang, ‘Do you regret it?’ I do not. I never regret. I will never regret anything,” pahayag ng asawa ni Ogie Alcasid sa panayam ni G3 San Diego sa kanyang Instagram live.

Paliwanag pa ng Songbird, “It was my decision to go back to ABS, because I wanted to experience something else, something new. I wanted to work with the people that I used to work before. But was not able to because of the whole GMA, ABS thing.”

Isa sa mga dahilan kung bakit siya lumipat sa Dos ay dahil nais niyang magkaroon ng platform para sa kanyang singing career at makatrabaho at mga magagaling na singer ng istasyon.

“So, I just wanted to experience that. Before the pandemic, I was able to experience it naman, eh. Ang dami kong nagawa before this, hindi man nga nabigay yung renewal ng ABS. Marami naman akong nagawa,” ani Regine.

Patuloy pa ng nag-iisang Songbird, “First of all, I was singing-parang na-maximize ulit yung pagiging singer ko, cause I was doing ‘ASAP’ every single week.
“In one show, I would sometimes have three production numbers. So, that’s a lot. And I was so looking forward to performing every Sunday,” sabi pa niya sa nasabing interview.

“Dumadami rin yung kaalaman mo sa mga kanta, ang dami mong natututunang kanta.You also work with other people, so you also learn from them.
“So, yun ang exciting doon. Plus, every week, it’s live, so hindi mo alam kung anong mangyayari,” aniya pa.

Muling ipinagdiinan ni Regine na wala siyang issue sa GMA at maayos ang ginawa niyang pagpapaalam sa mga bossing ng network.

“I was explaining to them, I just wanted to work with other people, and nagpaalam ako nang maayos. Sabi ko nga not that I don’t appreciate what GMA has given me.

“GMA has given me a lot. Marami silang ginawa din naman sa career ko.I was given a chance to be a host. I was given a chance to do soap opera.

“Marami silang naibigay sa akin, so very thankful naman ako doon. But at that time when I moved back to ABS, I just wanted to sing again. Yun lang ang nasa head ko,” ang lahad pa ng Songbird tungkol sa pagtanaw niya ng utang na loob sa Kapuso Network.

Ang tanong: Keri pa kaya niyang bumalik sa GMA? O, willing pa kaya ang Kapuso station na tanggapin siya uli? Kayo na ang sumagot diyan dear readers.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending