Paulo, Michelle walang balak layasan ang ABS-CBN, pero…
NANG ipasara ng Kongreso ang ABS-CBN, naging hudyat din ito para magdesisyon ang network na tanggalin na ang exclusive contract ng lahat ng mga artista.
Ganito rin ang Star Magic talents, puwede na silang tumanggap ng ibang offers sa ibang network base rin sa pahayag ng namamahala ng caeer nila na si Ms. Mariolle Alberto at Mr. Johnny Manahan.
Marami kaming kilala na may mga show na sa ibang network, pero ang Star Magic pa rin ang nakikipag-negotiate para sa kanila. Sa madaling salita, hindi pa rin nawala ang nasabing talent management ng ABS-CBN.
Ito rin ang katwiran nina Paulo Angeles at Michelle Vito na kasama sa teleseryeng “Ang Sa Iyo Ay Akin” na pinagbibidahan nina Iza Calzado, Jodi Sta. Maria, Sam Milby at Maricel Soriano mula sa JRB Creatives.
Sa virtual mediacon ng dalawa ay natanong sila kung may mga offer din ba silang natanggap sa ibang istasyon.
“Secret,” tumawang sagot muna ni Paulo. “Ha-hahaha! Siyempre meron din po.”
“Hindi ko tinanggap kasi may show pa ako dito (Kapamilya network), siyempre priority din naman talaga muna,” katwiran ng aktor
Pero kung wala raw siyang show ay posibleng tanggapin niya ang offer pero mananatili pa rin siyang Star Magic talent at hindi lilipat sa ibang manager, “May Star Magic pa naman, so hindi kailangang lumipat,” saad ni Paulo.
Ang paliwanag naman ni Michelle tungkol sa offer sa kanya, “Meron po, pero hindi pa puwede because may show, pero for me kasi hindi lang naman ‘yun ang reason because parang fresh pa ‘yung nangyari sa ABS-CBN and ang tagal ko with ABS.
“So, I respect ‘yung mga bosses, I respect kung ano ‘yung nangyari sa situation, I respect ABS-CBN, so, ayokong madaliin po ‘yung decision ko or kung may opportunity sa iba ayoko muna po na tanggapin muna ‘coz ang dami pang nangyayari and pinag-uusapan pa and all so ayoko po munang makisabay and since nag-school din po ako ngayon so ayoko munang i-rush talaga (ang lahat).
“Kailangan munang okay lahat at makapag-move on lahat kasi ang dami pang artist, bosses and worker’s ng ABS-CBN na ang sakit pa sa kanila nu’ng nangyari so, I respect that po,” dagdag ng dalaga.
Wala ring planong magpalit ng manager si Michelle, “May mga meetings kami with our handlers and bosses so for them naman po kasi since ‘yun nga ‘yung nangyari sa ABS may pandemic ngayon naiintindihan nila ‘yung part na kailangan naming magtrabaho.
“Kasi marami sa amin ang tumutulong sa family namin, may kailangan kaming gastusin o sustentuhan hindi po nila talaga kami pinipigilang mag-guest sa iba, magtrabaho sa ibang station,” aniya pa.
Nabanggit na kung may mga offer o opportunity ay kailangan lang ipaalam nina Michelle at Paulo ang lahat sa Star Magic para aware raw sa lahat ng mga nangyayari sa kanila.
At least marunong pa ring tumanaw ng utang na loob sina Paulo at Michelle sa network na nagpasikat sa kanila dahil hindi sila nagpalit ng manager.
‘Yung iba may mga show pa sa Kapamilya network, pero nagpalit na agad ng manager, hindi man lang naisip na kung hindi dahil sa ABS-CBN ay hindi sila makikilala o sisikat.
Samantala, sina Paulo at Michelle ang magka-loveteam sa “Ang Sa Iyo Ay Sa Akin” na dati nang magkaibigan kaya walang ilangan sa mga eksena nila at wala rin selosan na nangyayari since may kanya-kanya silang karelasyon.
Si Enzo Pineda ang boyfriend ni Michelle na nakasama niya sa programang “Nang Ngumiti ang Langit” noong 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.