Megan buntis na nga ba sa panganay nila ni Mikael? | Bandera

Megan buntis na nga ba sa panganay nila ni Mikael?

Ervin Santiago - September 22, 2020 - 02:59 PM

BUNTIS na nga ba ang Kapuso beauty queen-actress na si Megan Young?

Yan ang tanong ng ilang netizens nang makita ang ilang litrato ni Megan kasama ang asawang si Mikael Daez sa Instagram.

Nag-post ang Pinay Miss World sa IG ng ilang litrato nilang mag-asawa na kuha sa kanilang weekend getaway kung saan nakasama rin nila ang alagang aso na si Soba.

May mga followers sa IG ang Kapuso star na nakapansin sa tila baby bump niya sa ilang litrato.

Sagot naman agad sa kanila ni Megan, “Kanin po ‘yan at saka chips! Hahaha!”

Reply naman ng isang netizen, “Okay po. Akala namin meron nang Baby Megan or Baby Mikael! We can’t wait for that. For sure po super gwapo or ganda ng baby niyo.”

Sa huling panayam namin kay Mikael sinabi niyang handang-handa na siyang maging daddy sa panganay na anak nila ni Megan. At naniniwala silang mag-asawa na darating din ang kanilang first baby sa tamang panahon

Dalawang beses ikinasal sina Megan at Mikael nitong January, 2020.

                        * * *

Nilanggam ang social media sa recent posts ng Kapuso Primetime King at Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera kung saan ipinasilip nila ang naging quick getaway sa isang wellness facility sa Laguna.

Matapos ang naging lockdown taping ni Dingdong para sa “Descendants of the Sun” PH, finally ay nagkaroon na sila ng alone time ng kaniyang asawa.

Marami ang kinilig sa caption ng aktor sa kanilang selfie ni Marian sa Instagram na, “Malinis na hangin, mga puno, sariwang gulay, mainit-init na tubig…at ikaw. Huwow! A much needed relaxation with some medical treatments in this well-loved place.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Talaga namang sunud-sunod ang blessings para sa pamilya Dantes at kamakailan lang ay tinanggap ni Dingdong ang Asian Star Prize mula sa 15th Seoul International Drama Awards.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending