Liza umalma sa 'rape joke' ng netizen: We won’t let this one pass | Bandera

Liza umalma sa ‘rape joke’ ng netizen: We won’t let this one pass

Ervin Santiago - September 22, 2020 - 09:36 AM

 

 

HINDI palalampasin ng Kapamilya actress na si Liza Soberano ang “rape threat” sa kanya ng isang netizen.

Siniguro ng dalaga na may mananagot sa lumabas na pagbabanta sa kanya sa social media na nagsabing ang sarap daw niyang ipagahasa.

Ito may konek pa rin sa pagrereklamo ng girlfriend ni Enrique Gil tungkol sa dati niyang internet service provider.

Post ni Liza sa Twitter noong Sept. 6, 2020, “Converge really needs to start fixing their internet speed. I am an unhappy customer.”

Nag-warning pa siya tungkol sa pagpapakalat ng kanyang address matapos siyang magreklamo, “And to that employee of my ex internet provider who divulged personal information.

“Don’t try to turn this on me. My whole rant was about bad customer service.

“That’s pretty sketchy of you trying to make it look like it’s my fault why I have bad internet.”

Nag-react naman ang isang empleyado umano ng Converge telecommunication company sa sinabi ni Liza base sa kumalat na screenshot sa Twitter.

Sabi ng netizen, “Wala tayong magagawa, wala ng trabaho, kaya di bale ng masira ang image, magkapera lang. sarap ipa-rape sa mga….. ewan.”

May nag-tag naman kay Liza ng nasabing screenshot at sinagot naman ito ng dalaga ng, “Don’t worry we won’t let this one pass. They know my address.”

Dahil dito, nag-trending ang reaksyon ng netizen partikular na ang hashtag “rape is not a joke” kasabay ng kaliwa’t kanang pambabatikos sa kanya.

Sa kanyang Facebook page, naglabas ng open letter ang nasabing empleyado at humingi ng sorry sa lahat ng kanyang nasaktan ngunit hindi naman niya nabanggit ang pangalan ni Liza sa kanyang public apology.

Aniya, “Six hours ago, napakasimple at tahimik ng buhay namin ng mga anak ko.

“Hanggang may nagparating sa akin ng mensahe na tanggalin ko daw ang post ko sa Twitter. Nagulat ako dahil wala akong account sa Twitter, o kahit sa IG.

“Hindi rin po ako madalas magpost sa FB o magcomment sa mga FB friends sa kani-kanilang mga posts.

“Bihira po ako magkomento. Hanggang makarating nga sa akin ang isang ‘pagsubok sa katatagan ng aking pagkatao at paniniwala sa Diyos’ – ang isang post sa Twitter na in-screenshot ang aking FB comment sa isang pribadong usapan at ngayon ay nagtetrending na.”

“Hindi ko po ipapaliwanag ang aking sarili, dahil alam kong wala rin itong magiging bearing sa mabigat na sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon.

“Pero gusto ko pong iparating sa lahat na lubha po akong nasasaktan sa nagaganap. Marami saking nagpi-pm ng mga masasakit na salita.

“Maraming nagreretweet at nagko-comment ng napapapikit na lang ako para palampasin ang sakit sa aking kalooban.

“Masakit po dahil, alam ko po ang katotohanan ng pagkatao, integridad at dignidad ko.

“Pero hahayaan ko na lng po kayo lahat maglabas ng inyong sama ng loob, inis o anu pa mang emosyon meron kayo sa ngayon,” mensahe ng netizen.

Dagdag pa niya, “Nauunawaan ko po kayong lahat… hindi maganda at karapat dapat na gawing biro ang salitang RAPE.

“Isa itong sensitibong isyu na dapat ay pinag-isipan kong mabuti bago ko naikomento kahit ba ito para sa akin ay walang halong malisya — random thought sa isang pribadong usapan.

“Ang salitang RAPE ay hindi dapat ginagawang biro dahil sa kaakibat nitong social, political and cultural impact.

“Naging insensitive ako at nawalan ng tamang judgment. Dahil dito, ako ay humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng nasaktan sa isang maling biro na nasabi ko.

“Ang akin pong kumpanya, ay walang kinalaman sa aking facebook activities dahil ito po ay personal kong pag-aari.

“Ipinaparating ko rin ang aking paghingi ng paumanhin sa aking kumpanya dahil sa naging epekto nito sa kanilang imahe.

“Sa mga anak ko, mga kapatid ko, mga pamangkin ko, mga kamag-anak ko, sorry sa kahihiyan na naidulot ko sa inyo.

“At sa mga kaibigan na nakakakila sa akin at nagpahayag ng kanilang panalangin at suporta, maraming salamat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“At lalo’t higit, sa inyong lahat… isang taos pusong paghingi ng paumanhin po,” lahad pa niya.

Samantala, nangako naman ang kumpanyang pinapasukan ng netizen na iniimbestigahan na nila ang isyung kinasasangkutan ng empleyado.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending