Xyriel Manabat sa mga bastos na netizens: Sexual harassment is never, never okay
KAHIT kailan, hindi katanggap-tanggap ang pambabastos o sexual harassment.
Iyan ang ipinagdiinan ng dating child star na si Xyriel Manabat kasabay ng mga mahahalay at malilisyosong komento ng ilang netizens sa kanyang mga Instagram photos.
Ipinagtanggol naman ng kanyang mga followers sa social media si Xyriel na dalagang-dalaga na ngayon ang datingan sa edad niyang 16.
Kapansin-pansin kasi ang agaw-eksenang dibdib ni Xyriel sa kanyang mga ipino-post na litrato sa socmed at ito nga ang pinagtripan ng ilan sa mga manyak na netizens.
“Daming lantaran sa comment ahh.. Tas sinisisi niyo pa panunuot ng mga babae kaya nababastos, eh diyan palng maayos na damit nababastos paden. Kapag manyak kayo manyak na talaga kayo wag niyo isisisi sa way ng pananamit ng babae.
“Why are you making fun of her? is it because of her outfit? dahil ba yung dibdib nya? I see nothing wrong with her outfit. ang papangit kase ng mindset nyo. please be matured enough.
“It’s in her genes kaya ganyan at wala siyang magagawa dyan mga tanga kayo! Sige Kayo pambabastos Di nyo ba Alam maidudulot nyan sa kanya hahahahaha mga t*** kayo bastos MANYAK!” ang sabi ng isa sa mga nagtanggol sa dalagita.
Sa pakikipagchikahan naman ni Xyriel kay Darla Sauler sa isang online show, sinabi nitong nahe-hurt din siya sa mga “below the belt” comments ng mga netizens.
“Hindi po ako napa-flatter sa ibang comments, kasi ‘yung iba po below the belt. Sana po alam nila at aware po ang tao na sexual harassment is never, never okay. Hindi po siya fine.
“Sa mga nakaka-experience po lalo na po kapag minor, siyempre hindi naman po sila sanay sa ganoon. Minor man, girls, boys, anumang age, anumang gender or anuman ang suot sana po walang ganoon. Never po siyang nakakatulong.
“Lalo na po sa ganitong may pandemic na marami pong pinagdadaanan na mental health na problems. Huwag na pong sumabay. Respect na lang po,” pahayag ng dating Kapamilya child star.
Sabi naman ng kanyang inang si Dianne, talagang lahi na nila ang pagkakaroon ng malulusog na dibdib kaya hindi kasalanan ni Xyriel kung naipamana niya sa anak ang kanilang “tagong yaman.”
“Wala na tayong magagawa, asset na natin ito,” natatawang sabi ng nanay ni Xyriel.
Nagsimulang mag-artista si Xyriel noong 2009 nang sumali siya sa reality talent search ng ABS-CBN na “Star Circle Quest”.
Bumida siya sa mga seryeng “Agua Bendita”, “Momay” at “100 Days To Heaven.”
“Nostalgic po kasi siyempre nakikita ko po na kahit almost, ilang years po ba? Three or four years akong hindi nalalabas sa TV, grabe nakikilala pa rin nila si Madame Anna, si Momay at Agua,” kuwento ni Xyriel sa nasabing panayam.
Huli siyang napanood sa teleserye ni Maja Salvador na “Wildflower” kung saan gumanap siya bilang batang Ivy Aguas.
Pagkatapos nito, nag-focus na siya sa pag-aaral at nito lang nakaraang June ay naka-graduate na siya ng high school.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.