Vico pumasok sa trabaho nang naka-scrub suit; cancer warriors pinasaya nina Alden at Ruru | Bandera

Vico pumasok sa trabaho nang naka-scrub suit; cancer warriors pinasaya nina Alden at Ruru

Ervin Santiago - September 21, 2020 - 03:36 PM

 

BILANG pagpapakita ng kanyang pagsaludo at pagsuporta sa medical workers at frontliners, nagsuot si Pasig City Mayor Vico Sotto ng scrub suit.

Muling nagpasalamat ang alkalde sa lahat ng bayaning frontliners na patuloy na nakikipaglaban sa COVID-19.

Kung matatandaan, nakipag-meeting si Mayor Vico sa mga doktor na naka-assign sa COVID-19 referral facility sa Pasig kung saan nga siya niregaluhan ng scrub suit.

Nag-post siya sa Twitter ng litrato sa naganap na meeting, “With our super energetic doctors from the Pasig Covid Referral Facility. They gave me my own set of scrubs. Overall, their team has been getting really good feedback from our patients!”

At isang linggo matapos tanggapin ang regalo ng medical workers, nag-report siya sa trabaho suot ang sariling scrub suit.

Aniya sa caption, “I’ve always wanted to become a doctor… [ever since our Covid Referral Facility doctors gave me my own pair of scrubs. Thanks docs!].

“As promised, suot ko siya kaninang Monday Morning Updates natin,” aniya pa.

Nagbahagi rin siya ng mensahe para sa lahat ng health workers na patuloy pa ring nakikipaglaban sa giyera kontra COVID-19 at walang pagod na nagliligtas ng mga tinatamaan ng killer virus.

“Sa lahat ng mga trabaho ngayong pandemya, nasa kanila ang pinaka mahihirap. Kaya pag napapagod din ako, iniisip ko na mas pagod pa silang 12++ hrs nakatayo sa init ng PPE,” ani Mayor Vico.

* * *

Bukas (Sept. 22), magbibigay-inspirasyon sina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at Kapuso hunk Ruru Madrid sa mga cancer warrior sa “Bright Side”.

Mapapanood na ito sa bagong timeslot na 9:15 p.m. kasama ang host nitong si Kara David sa GMA News TV.

Malapit kay Alden ang mga batang may cancer at kahit nitong lockdown ay gumawa siya ng paraan para mapasaya ang mga ito.

Gaya ni Alden, may puso rin para sa cancer warriors si Ruru dahil ang kanyang lola ay nagkaroon ng colon cancer.

Kilalanin din ang ilang lumalaban sa sakit na sa halip sumuko ay nagbibigay ng inspirasyon at handang tumulong.

Samantala, mayroon daw “vaccine” sa Batanes kung kaya’t hanggang ngayon ay COVID-free pa rin sila. Ang tawag dito? Disiplina at bayanihan.

Pebrero pa lang sinarado na ang Batanes sa mga turista at sila-sila mismong mga Ivatan ang nagtulungan para magkaroon sila ng kabuhayan at pagkain.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mayroong namimigay ng libreng isda, tinapay, gulay. May proyekto rin sila na kung tawagin ay “Walang Sayang” kung saan tinutulungan nila ang mga magsasaka na hindi masayang ang kanilang mga ani. Mayroon din silang Quarantine Resorts para sa mga na-stranded doon.

At ang COVID survivor na si Donita Nose, makikipag-cook off kay Bright Side host Kara David sa Good Eats, kung saan bibida ang Pork Talong Binagoongan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending