Joshua sasabak na rin sa pagba-vlog: Gusto ko comedy naman | Bandera

Joshua sasabak na rin sa pagba-vlog: Gusto ko comedy naman

Ervin Santiago |September 21,2020
facebook
share this

Joshua sasabak na rin sa pagba-vlog: Gusto ko comedy naman

Ervin Santiago - September 21, 2020 - 09:24 AM

 

NANGHIHINAYANG ang Kapamilya young actor na si Joshua Garcia dahil late na niyang naisipan ang mag-vlog sa pamamagitan ng YouTube.

Ngayong buwan planong i-launch ng binata ang kanyang YouTube channel kaya bisi-bisihan siya ngayon sa pag-e-edit ng mga ipo-post niyang video.

Aminado si Joshua na marami siyang realizations sa buhay makalipas ang halos pitong buwan na community quarantine dulot ng COVID-19 pandemic.

Isa nga sa mga naisipan niyang gawin at karirin ngayong panahon ng pandemya ay ang pagba-vlog kung saan balak niyang ibahagi sa madlang pipol ang mga nangyayari sa kanyang personal na buhay.

Ibinahagi ni Joshua sa panayam ng Cinema News at Home Edition ang mga plano niyang gawin sa kanyang YouTube channel.

“Pini-film ko ang lahat ng nangyayari sa akin araw-araw. Plano ko pumasok sa YouTube, sa vlogging. Gusto ko mag-vlog. Nu’ng quarantine ang dami kong pinapanood na YouTube videos, mga vloggers,” pahayag ng binata.

Ayon kay Joshua, naging inspirasyon niya ang ilang celebrity vloggers na nagpo-post ng mga nangyayari sa buhay nila, lalo na ngayong panahon ng pandemya.

“Nakikita ko, sabi ko, ‘Bakit di ko i-try ito?’ Pini-film ko ang ginagawa ko every day, kino-compile iyong mga masasayang part. Sa nangyayari sa akin ngayon, inaaral ko pa mag-edit.

“Baka ngayong September makapag-upload na ako. May plano na ako na kuha ng isang editor.

“My plan kasi is to upload two videos sa isang linggo. Parang gusto kong tahakin entertainment na comedy,” chika pa ng binata sa nasabing panayam.

Samantala, inamin ni Joshua na nanghihinayang siya na ngayon lang niya naisipang mag-vlog, sayang daw ang mga ganap sa buhay niya na pwedeng-pwedeng gawan ng video.

“Ang dami kong na-realize. Parang sabi ko, ‘Bakit di ko ito ginawa nu’ng umpisa pa lang? Sobrang dami nangyaring maganda sa buhay ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Lahat ng nangyari sa akin sa buong six years ko sa showbiz. Ang saya ng experience.

“Kung na-upload ko sa YouTube eh, di may nababalikan ako na video,” sey pa ng ex-boyfriend ni Julia Barretto.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending