Nanay ni Angeline naoperahan na: Ito ang pinakamatinding pagsubok sa buhay ko | Bandera

Nanay ni Angeline naoperahan na: Ito ang pinakamatinding pagsubok sa buhay ko

Reggee Bonoan |September 18,2020
facebook
share this

Nanay ni Angeline naoperahan na: Ito ang pinakamatinding pagsubok sa buhay ko

Reggee Bonoan - September 18, 2020 - 10:58 AM

“I MISS you Ma. Ulitin natin ito pag galing mo, ha. Palakas ka Mama Bob. I love you very much. Pinagdadasal ka namin lahat.”

Ito ang emosyonal na caption ni Angeline Quinto sa larawan nila ng kanyang Mama Bob habang nagdi-dinner noong nakaraang taon.

Kasalukuyang nagpapagaling na ngayon si Mama Bob sa isang pribadong hospital na hindi binanggit ni Angeline kung saan at nagpapasalamat siya dahil nagising na ang kanyang adoptive lola.

Noong Set. 10 ay nag-post si Angeline ng, “Gusto kong kumatok sa mga puso niyo, Tulungan niyo po akong ipagdasal ang Mama Bob ko. Kailangan na kailangan po namin ng tulong niyo sa pagdadasal.

“Nakikiusap po ako. isama niyo po ang Mama Bob ko sa mga panalangin niyo.”

Ang nangyari ng araw na iyon ay nahilo at nagsusuka si Mama Bob habang patungo sila ng Tagaytay para mamili.

Kaagad idiniretso ni Angeline ang mama niya sa Sta. Rosa Hospital at doon nakitang may namuong dugo na kailangang operahan kaya nagdesisyon sila na-transfer na ito sa Manila.

Set. 11 ay muling nag-post ang mang-aawit ng panalangin dahil sa operasyon ni Mama Bob.

“Ito ang pinakamatinding pagsubok sa buhay ko. Hindi mo ako kahit kailan binigyan ng pagsubok na hindi ko Kaya.

“Ama, buong-buo ang tiwala at pananalig ko sayo. ‘Wag mong pabayaan ang taong pinakamahal ko Ama.”

Successful ang operasyon at eksaktong tatlong araw ay gising na si Mama Bob at nagpapagaling na kaya masaya si Angge at panay pa rin ang panalangin para sa agarang paggaling ng kanyang lola.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending